Archive for November, 2008

Blog Entry CONDEMN THE FILING OF FABRICATED CHARGES AGAINST ACTIVISTS! -statement ng ANAKBAYAN-Timog Katagalugan

Sunday, November 9th, 2008

KUNDENAHIN ANG PAGSASAMPA NG GAWAGAWANG KASO SA MGA AKTIBISTA, ILANTAD AT BIGUIN ANG OPLAN BANTAY LAYA II

Sukdulan na ang pasistang paghahari ng reaksyunaryong gubyerno ni Gloria Macapagal-Arroyo, kasapakat ang mga mersenaryong AFP-PNP-DND. Sa loob ng pitong taon mahigit na panunungkulan ng pekeng gubyernong ito, lalong tumitindi at hindi na masikmura ng taumbayan ang kalunos-lunos na kalagayan ng karapatang pantao sa bansa. Ayon sa tala ng Karapatan, isang grupo na nagsusulong sa karapatang pantao, sa ilalim ni Arroyo libo-libong kaso ng pagpaslang, pagdukot, pagtortyur, at iba pang paglabag sa karapatang pantao kasama na itong pakana na pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso sa mga aktibista at kritiko ng rehimen.

Dahil natalo ng mamamayan ang unang parte ng Oplan Bantay Laya, kung saan pinapaslang ang mga aktibista, kasabay ng pagkalantad at pambabatikos ng buong mundo sa pasistang pamunuan ng rehimeng US-Arroyo, nagresulta ito sa taktika na pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso sa mga aktibista, nauna na rito ang pagkakaso sa Batasan 5 at kay Prop. Jose Maria Sison.

Sa ating rehiyong Timog Katagalugan, mayroong 27 na kinasuhan ng arson, conspiracy to commit rebellion at mayroong 72 na kinasuhan ng murder at frustrated murder, na pawang wala namang basehan at puro kasinungalingan. Kasama sa mga kinasuhan ay ang pangkalahatang kalihim ng ANAKBAYAN Timog Katagalugan (ANAKBAYAN-TK) na si kasamang PJ Santos, at ilan pang mga lider ng mga progresibong organisasyon sa rehiyon.

Kinukundena ng ANAKBAYAN-TK sa pinakamataas na antas ang ganitong desperadong hakbangin ng rehimeng US-Arroyo upang patahimikin ang mga progresibong organisasyon na ang panawagan lang naman ay mga batayang karapatan: edukasyon para sa lahat, pabahay sa mga maralita, dagdag na sahod sa mga manggagawa at lupa sa mga magsasaka.

Tinuturing ng rehimeng US-Arroyo na isang krimen ang pagpapanawagan sa mga batayang karapatan, samantalang pinoprotektahan ang mga tunay na kriminal, at burukrata kapitalista katulad ni Jocjoc Bolante na nagnakaw ng 728 milyong pondo ng abono na ginamit sa eleksyon ng mga kasapakat ng administrasyon nitong si Arroyo. Pinatunayan lamang ng ganitong kalakaran ang kawalan ng hustisyang panlipunan sa ilalim ng reaksyunaryong gubyernong ito.

Kung kaya may pangangailangan sa hanay ng kabataan na makipagkaisa sa malawak pang masang anakpawis na ilantad at kundenahin ang pampulitikang panunupil ng rehimeng US-Arroyo. Gayundin ang panwagan na ang dapat ikulong ay ang mga magnanakaw at kriminal katulad nina Bolante at Arroyo, hindi ang mga aktibista.

Nabigo na natin ang Oplan Bantay Laya I, muli, bibiguin natin itong Oplan Bantay Laya II. Kailangan ng wakasan ang pasistang diktadurya ng rehimeng US-Arroyo, at itayo ang isang lipunang kumikilala sa karapatang pantao at nagsusulong sa interes ng sambayanang pilipino.

Itigil ang pampulitikang panunupil!

Ikulong ang mga Kriminal, hindi ang mga aktibista!

Patalsikin ang pasistang rehimeng US-Arroyo!

Kamtin ang hustisyang panlipunan!

pagdaig sa paghahati pagtapos sa paghahari

Sunday, November 9th, 2008

Ang matapang na pahayag ng limang Katolikong obispo na nanawagan sa mamamayan na ”maghanda para sa isang bagong gubyerno”, gayundin ang muling pag-init ng kontrobersya sa pagbabalik ni Joc-joc Bolante, ay nagiging tuntungan ngayon ng malawak na kilusang anti-Arroyo upang muling magsama-sama at isikad ang kilusang masa para sa pagpapatalsik sa kinamumuhiang rehimen.

Batid ng marami na gagawin ni Arroyo ang lahat para manatili sa puwesto lagpas sa 2010 o kung hindi’y sisiguruhing ang hahalili sa kanya ay magtitiyak ng hindi niya pananagot sa mga kasalanan sa taumbayan. Inaasahan ang muling pag-init ng sitwasyong pampulitika sa mga susunod na buwan habang nakahanay na todong pakawalan ng rehimen ang mga pakanang pang-tiraniya: charter change, konsolidasyon ng kanyang partido at paninira sa oposisyon, kampanya ng pasistang paniniil sa mga progresibo at kilalang personaheng anti-Arroyo, hanggang sa lantarang pagpapataw ng emergency rule o batas militar.

Marapat lamang na tapatan ng higit na malakas at determinadong kilusan ng mamamayan ang mga maitim na balakin ng rehimen. Habang higit na nagiging desperado si Arroyo, higit namang umiinam ang sitwasyon para mapagkaisa at mapakilos ang mamamayan. Ngunit maraming dapat matutunan ang kilusang anti-Arroyo mula sa mga karanasan kung layon nitong dalhin sa isang bago at mas mataas na antas ang laban.

Matapos ang pagkilos sa Ayala noong Pebrero, hindi na muling nakapagtipon ng kasinglaking bilang sa lansangan — na umabot sa lagpas 80,000 — ang mga organisasyon at pwersang anti-Arroyo. Itinurong salarin ang pagpasok ng bakasyon ng mga estudyante na tintignang balon ng mga napapadalo sa mga pagkilos. Bagamat mahahalagang salik ito, may mga usaping dapat ding tignan hinggil sa naging mga kaganapan sa hanay ng prenteng anti-Arroyo.

Mabilis na nasamantala noon ng administrasyon ang mga sumingaw na negatibong reaksyon ng ilang kampo hinggil sa pag-akyat ng mga pulitiko, partikular ni Estrada sa entablado ng rali. Bagamat maaaring sabihing may pinagmumulan ang kanilang pagkadismaya, at may mga dahilan kung bakit nila ito piniling ihayag sa publiko, binigyan ng kamaliang ito ng pagkakataon ang administrasyon na pulaan ang makasaysayang protesta bilang pamumulitika, ipakitang hati-hati ang kilusang anti-Arroyo, at maliitin ang tagumpay ng makaysayang pagtitipon.

Nasundan pa ito ng mga paninira at intrigang kumalat sa mga paaralan at mga organisasyon laban sa Kaliwa na pumigil sa higit sanang paglaki ng protesta sa mga sumunod na linggo. Mas malaki pa sana ang makakalahok sa pagkilos na pinangunahan ng mga grupo ng kabataan pagdating ng Marso kung hindi kumalat ang mga tsismis na pinasok ng mga terorista at pinangungunahan ng mga komunista ang mga pagkilos, at kung buong sumuporta ang iba’t iba pang mga grupo na sa panahong ito ay naging malamya ang pagtugon.

Hindi rin nakatulong na malabo ang naging mga posisyon at panawagang inilabas ng simbahan. Bagamat may ilang mga mas radikal na obispo at sa kalakhan anti-Arroyo ang mga pahayag nila, ang labnaw at kawalan ng kategorikal na mga pahayag ay nagamit ng administrasyon para hatiin ang mga Katoliko at lituhin ang publiko. Mararamdaman din ang paguurong-sulong at hindi buong pagkasa ng makinarya ng simbahan sa pagpapakilos.

Ang ilan pa sa mga mas konserbatibong seksyon ng simbahan, bagamat pumopusturang anti-Arroyo at kumikilos sa balangkas ng ”katotohanan, katarungan at pagbabago”, ay nagdeklara ng pagtutol sa people power at panawagang talsik. Sa halip, nagpatihulog sila sa bitag ng rehimen na nagsasabing maghanda na lamang para sa 2010 kung kaya’t naunahan pa nila ang mga presidentiables sa pagtanaw sa eleksyon at nailayo ang atensyon ng marami sa kilusang masa.

Mahalaga ring banggitin na ang pagsusulong ng gubyerno ng Reproductive Health Bill na sumulpot matapos ang pagdedeklara ng ilang mga obispo laban sa Oil Deregulation Law noong nakaraang buwan, ay maaaring isang pakana para lituhin ang simbahan at ibaling ang atensyon nito palayo sa kilusang masang anti-Arroyo. Kung gayun nga, ipinapakita ng pagpatol ng simbahan dito ang bulnerabilidad nito sa mga panghahati at panlilito.

Sa huli’t huli, kailangang maunawaan ng marami na ang magiging mapagpasya pa rin sa pagpapatalsik sa remihen ay ang pagpapalakas at pagpapalawak ng kilusang masa. Dapat palakasin ang pagkakampanya at pagpapakilos lalo na ng mga pwersang progresibo sa mga komunidad, paaralan, pagawaan, atbp. Ang daang libong bilang na nagmamartsa sa kalsada ang makapangyarihang sandata na tatapos sa gubyernong ito. Kasabay nito kailangang puksain ang pesimismo ng ibang mga kampo at pag-asam sa mga milagro o di kaya’y sa aksyong militar lamang.

Kailangang matuto ang mga organisasyon ng kabataan at mamamayan sa mga karanasan nito ng pagpapakilos nitong nakaraang taon at paghusayan ang mga porma ng aksyon na magpapakilos sa mas maraming bilang ng mga mamamayan. Sa isang banda, ang pagtitiyak din nito ang magbibigay ng higit namang tatag at lakas ng loob sa iba’t ibang seksyon ng malawak na prenteng anti-Arroyo at sasalag sa mga panghahati ng rehimen sa nagkakaisang pagkilos ng taumbayan.

Kailangan ding maunawaan ng mga nag-aambisyong kandidato para sa 2010 na higit sa paghahanda para sa pangangampanya, kailangan silang maging bahagi ng kilusang masa laban sa tiraniya. Sa hanay ng mga ito, bagamat alam nila na maraming ipapakana si Arroyo at maaaring pigilan o maniobrahin pa nito ang eleksyon, namamayani ang pag-iisip na ”maghanda na rin sila kung sakali”. Pero natuto na ang publiko sa EDSA 2, at ayaw na ayaw na nila ng mga hitchhiker at mga mapagsamantala na aani lamang ng tagumpay na kilusang masa ang nagtanim. #

haranang handog sa isang aktibista,hinahamon ng tadhana

Sunday, November 9th, 2008

NI E. SAN JUAN, JR.
Inilathala ng Bulatlat

Pambihira ka

Matatag matingkad mabagsik ang luntiang apoy sa iyong mga mata
Habang dumadampi ang hamog ng umaga
Sa iyong pisnging hinog sa pangarap ng masamyong kinabukasan—
Nagliliyab ang iyong tapang, nakapapaso ang dingas ng iyong determinasyon—

Nabighani sa sanghaya ng iyong dangal at sa panaginip
Nangahas ang kaluluwang lumantad madarang, nahimok ng kung anong bagwis
Ng tukso sa bulong ng iyong labi’t galaw, dagling naligaw sa paglalakbay—
Walang sindak mong binaybay ang karimlang mapanganib
Namumukod sa madla, lumilikha ng landas tungo sa liwanag….

Kahit sumabog ang pulbura sa larangang binagtas ng iyong budhi, wala kang takot
Hawak ang sulo ng katarungan, sumusugod ka– O mapusok na anghel ng bukang-liwayway, Bumabangon sa iyong bisig at kamao ang masa mula
Sa kasawiang-palad upang bawat nilalang ay magkaroon ng pambihirang katangian—
Upang maging pangkaraniwan ang iyong pambihirang giting at kariktan—

O Paraluman ng pag-asa’t pagnanais, sisikapin kong ipagbunyi ang dahas ng iyong

kabayanihan

Ang bungang inihasik ng talim ng iyong pagpapasiya

Bagamat baliw akong nakasubsob sa hiwagang masalimuot,

pinagtalik ang kapalaran at tadhana,

Walang makapipigil sa iyo, matatag at mabagsik na luntiang apoy ng himagsikan,

humahagibis ang katawan mong lumalagablab

yapos ang bulalakaw ng katwiran

at halimuyak ng kasarinlan.

Ramdam ang Kaunlaran?

Saturday, November 8th, 2008
Malaking kahungkagan at pang-iinsulto ang pagpopostura ni Arroyo na umano’y “ramdam ang kaunlaran” pagkat malinaw na kabaliktaran ang nararanasan ng taumbayan sa kasalukuyan. Walang kasingtinding kahirapan, kagutuman at pambubusabos ang idinudulot ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis, pagkain at mga batayang serbisyo’t bilihin, kasabay ng higit na pagliit ng kita at kabuhayan ng mamamayan.

Hindi maikakaila ng rehimeng US-Arroyo ang pananagutan niya sa kasalukuyang krisis na dulot ng kanyang sagad-sagaring pagkatuta at anti-mamamayang mga patakaran sa ekonomiya, isabay pa ang sobra-sobrang kurupsyon at todong panunupil sa desperasyong manatili sa pwesto.

Sa kasalukuyan, binabayo ang bayan ng krisis na dulot ng bulok na katangian ng sistemang panlipunang mala-kolonyal at malapyudal. Higit pa itong sumasahol sa patuloy na pagsalanta ng “globalisasyon” at mga pakana para todo-todong pagsasaan ng dayuhang imperyalismo ang ating bayan. Ito ang delubyo na naglulubog sa mamamayan sa higit na krisis at kabuhayan.

TUMITINDING PAMBUBUSABOS SA KABATAAN AT MAMAMAYAN

Hindi na makayanan pa ng gobyernong maitago sa mga gawa-gawang istatistika ng pag-unlad ang kaaba-abang kalagayan ng mamamayan. Wala nang ibang inaasahan ang mamamayan sa ilalim ng rehimeng US-Arroyo kundi ibayo pang kahirapan at papatinding krisis sa ekonomiya.

Walang habas na pagtaas ng presyo ng langis at LPG
Hindi maampat ang pagtaas ng presyo ng langis na lingguhang tumataas na P1 hanggang P1.50 kada litro. Aabot na sa P58 kada litro mula sa mahigit P44.50 lamang noong pagpasok ng 2008 ang presyo ng unleaded gasoline, habang nasa P51 mula sa P37 lamang ang presyo ng diesel. Kalahati pa lamang ng taon, nagtaas na ng 16 beses sa halagang P13.60 sa gasolina at P12.50 sa diesel. Katumbas na ito ng halos doble nang itinaas noong buong taon ng 2007 na aabot lamang sa P7.20 sa gasolina at P5 lamang sa diesel.

Ayon sa mga kumpanya ng langis, aabot pa sa P11 ang nakatayang pagtaas sa mga susunod na linggo. Tinatayang aabot sa P70 kada litro ang presyo ng gasolina at P60 kada litro ang diesel sa susunod na buwan.

Samantala, apektado ng pagtaas na ito maging ang presyo ng LPG, na ngayong tao’y nadagdagan na ng P29.20 kada kilo ang o mahigit P300 ang kada tangke. Napakalaki nito kumpara sa P7 kada kilo lamang na nadagdag noong 2007.

At dahil istratehiko ang papel ng langis sa pagpapatakbo ng ekonomya, kapag tumataas ang presyo nito, tumataas din ang halaga ng produksyon kaya napipilitang magsara ang maliliit na empresa at lumolobo ang bilang ng mga manggagawang nawawalan ng trabaho. Tumataas din ang mga pangunahing bilihin at serbisyo at lumalaki ang gastusin sa pamumuhay.

Sinisisi ng gubyerno at ng mga kartel sa langis ang pagtaas ng presyo sa pandaigdigang palitan na umaabot sa mahigit na $139 kada bariles ng krudo noong Mayo. Gayunpaman, hindi ito sapat na dahilan para sa walang habas na pagtataas ng presyo ng langis. Ang tunay na dahilan ng pagtataas ng presyo ay ang overpricing at artipisyal na pagtataas ng presyo ng langis sa pagkokontsabahan ng monopolyo kartel sa langis.

Tinatayang aabot sa P19B ang pinagsama-samang kita ng mga kumpanya ng langis taon-taon. Ibig sabihin, kumikita ang isang kumpanya ng mahigit P600,000 kada isang oras!

Kakontsaba ng mga kartel ng langis ang rehimen sa pagnanakaw nito sa mamamayan sa pamamagitan ng patuloy na pagpapatupad ng Oil Deregulation Law, at hindi pagkontrol ng gubyerno sa presyo ng langis.

Patong-patong na pasakit sa kuryente at tubig
Nitong Abril 2008, tumaas ng P0.52/kwh ang generation charge at P0.08/kwh naman sa transmission charge ng MERALCO. Ang sobrang taas na singil ang nagbunsod sa moro-morong panggigipit na ginagawa ng gubyerno sa Meralco na ang may-ari ay kilalang mga kaaway ng rehimen.

Sa batuhan ng putik ng gubyerno at Meralco, nalantad ang patong-patong at di-makatuwirang mga bayarin na ipinapapasan sa mamamayan. Nalantad ang pagpapapasan ng systems loss at iba pang mga bayarin ng Meralco, sa isang banda at ang maanomalyang kontrata ng NAPOCOR at matinding pagkatas ng EVAT ng gubyerno sa kabila.

Kung susumahin, mahigit P30B ang overpricing ng MERALCO na iniutos ng Korte Suprema na ibalik sa mamamayan. Bukod pa ito sa mga naunang naibalitang P427.5 M pansariling konsumo taon-taon ng MERALCO at P12.99 B “ghost deliveries” (mga kuryenteng hindi naman nagamit ng konsyumer) na ipinapasa ang pagbabayad sa mga konsyumer. Ang VAT naman na kinukulimbat ng gobyerno ay umaabot ng 93 centavos/kwh. Ibig sabihin, para sa nakararaming pamilyang kumokonsumo ng 200 kwh sa isang buwan, mahigit P186 ang dumadagdag sa buwanang bayarin sa kuryente dahil sa VAT.

Sa totoo’y ang ugat ng matinding pagtataas ng bayarin sa kuryente ay ang kuntsabahan ng gubyerno at ng mga kumpanya ng langis na ipinapatupad sa pamamagitan ng Electric Power Industry Reform Act o EPIRA na nagpapatupad ng deregulasyon at pribitisasyon sa kuryente. Ang pagsasalimbayan ng EPIRA at VAT ang siyang nagtitiyak na deretso sa bulsa ng iilang pamilya ang kinikita ng mga mamamayan.

Samantala, nakaamba din ang pagtaas ng singil sa tubig ng 22 centavos per cubic meter ngayong taon dahil sa pagtaas umano ng dolyar. Sa totoo, ipinapasa sa taumbayan ang utang na dapat ay binabayaran ng mga kumpanya ng tubig. Probisyon ito na pinapayagan ng gubyerno nang itulak ang pribatisasyon ng industriya ng tubig.

Papalalang kagutuman dahil sa krisis sa bigas at pagkain
Ibayo ang kagutuman dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin at ang kawalan ng konkretong programa ng gobyerno para resolbahan ang mababang produksyon ng bigas at iba pang pagkain para sa konsumo ng mamamayan.

Walang habas ang pagtaas ng presyo ng langis maging ang presyo ng bigas at iba pang pagkain. Noong Nobyembre 2007, sa unang pagsirit ng napakataas na presyo ng langis, tumaas na mula P24.49 tungong P30.00 kada kilo ang fancy rice, habang halos P2.50 ang itinaas ng ordinary rice. Sa kasalukuyan, pumapalo na sa P38 hanggang P42 ang presyo ng ordinary rice. Ang fancy rice naman ay umaabot na sa P51.

Nagkakagulo ngayon sa Mindanao dahil umabot na sa P50 kada kilo ang bigas, habang sa ibang lugar ay P65 na ang presyo. Ito ay sa kabila ng pahayag ng Malakanyang na ‘under control’ na raw ang suplay sa bigas.

Tinitiis ng mga mamamayan ang napakahabang pila sa mga lansangan para lamang makabili ng murang bigas mula sa NFA. Ngunit kahit ang NFA rice ay tataas pa mula P18.25 patungong P25 dahil mas mahal na raw ang inangkat nitong bigas.

Umaabot naman sa P10 ang itinaas ng bawat kilo ng manok at 25 sentimos sa itlog ng manok. Ang bawat kilo ng bangus na dating P65 ay umabot na sa P80, habang P10 ang itinaas ng bawat kilo ng tilapia. Ang galunggong na nabibili ng P80/kilo nakaraang taon ay umaabot na sa P100/kilo ngayon.Tumaas din ang presyo ng mga gulay dahil na rin sa paglaki ng gastos pangunahin sa transportasyon.

Pilit pinaniniwala ng rehimeng US-Arroyo ang mamamayan na tinutugunan nito ang krisis sa pamamagitan ng papalaking importasyon ng bigas. Pero bigo ang National Food Authority kahit sa pinakahuling pagtatangka nitong makapag-angkat ng 675,000 metriko tonelada (MT) ng bigas, ang tinatayang kailangang suplay para sa mga nalalabing buwan ng taon. Iisang kumpanya lamang mula sa Vietnam ang lumahok sa bidding ng NFA na indikasyon na hindi humuhupa ang krisis.

Samantala, aminado rin maging ang administrasyong Arroyo na hindi nito kayang panindigan ang tuluy-tuloy at mas malalaking pag-aangkat ng bigas dahil lolobo ang depisito sa badyet ng gobyerno. Ang solusyon nito ay hikayatin ang pribadong sektor na palakihin ang inaangkat nilang bigas na lalo lamang palalakasin ang kontrol ng mga lokal na kartel sa bigas sa pagdidikta ng presyo sa lokal na pamilihan.

Ang totoo’y hindi nalutas at hindi kailanman malulutas ng pag-import ng suplay ang krisis sa bigas. Tulad ng iba pang mga panukala at programa, panandalian at walang tunay na solusyong naipataw ang gobyerno sa krisis sa bigas. Tiyak pang tataas ang presyo ng bigas kapag pumasok na ang bansa sa “lean months” o mga buwang walang ani.

Lalo lamang lumulubha ang pagsandig ng Pilipinas sa pandaigdigang pamilihan kung saan peligroso ngayon ang kalagayan ng suplay at napakataas ng presyo. Dahil lalong umaasa ang bansa sa pag-aangkat upang tugunan ang kakulangan ng lokal na produksyon ng bigas, tumitindi ang kawalan ng seguridad sa bigas ng bansa. Lumala ito nang husto nitong mga nakaraang buwan nang lalong humigpit ang sitwasyon ng suplay sa pandaigdigang pamilihan at sumirit pataas ang pandaigdigang presyo ng bigas.

Kaya naman mahigit 40% o 7.1 milyon pamilyang Pilipino ang nakararanas ng matinding gutom ngayong taon na ito ayon sa isinagawag survey ng SWS. Malayo ito mula sa 34% na naitala noong huling kwarto ng 2007. Sa parehong survey na ito ay naitala din ang walang kapantay na tantos ng kahirapan na umaabot sa 50% o mahigit 9 milyong pamilya.

Pagtaas ng matrikula, krisis sa eskwela
Kumakaharap maging ang sektor ng edukasyon sa pinakamatinding bayo ng krisis ngayong taon. Sa kabila ng mga propaganda na “libre” ang matrikula sa elementary at high school, aabot pa rin sa halos P20,000 ang kinakailangan gastusin para sa isang estudyante sa isang taon, labas pa sa mga bayarin at gastusin sa skwela.

Sapilitang nagbabayad ng mga PTA fee, Red Cross fee at iba pang ‘voluntary’ fees ang mga estudyante sa hayskul. Pagkatapos ng Hunyo, tiyak ding pagbabayarin ang mga estudyante para sa mga workbuk, test paper, bayad sa mga guard at janitor, at kung anu-ano pang bayarin.

Pinasisinungalingan din ng mga dagdag-singil sa pampublikong paaralan at state colleges and universities (SUCs) ang pahayag ni Arroyo para sa isang ‘tuition hike freeze’ para sa taong ito. Nananatiling P1000 ang matrikula sa Unibersidad ng Pilipinas, na nauna nang magtaas ng 300 porsyento ang matrikula noong nakaraang taon. Tataas din tungo sa P1,500-P2,000 ang dating P500-P800 na mga laboratory fee. Gayundin, may bagong singil na P250 developmental fee at P800 energy fee sa Polytechnic University of the Philippines.

Samantala, nananatiling abot-langit naman ang halaga ng edukasyon sa mga pribadong eskwelahan bunsod pa rin ng patakarang deregulasyon ng matrikula ng pamahalaan na ipinapatupad ng Commission on Higher Education (CHED). Sa mismong datos ng CHED, 378 pribadong kolehiyo at unibersidad ang nagtaas ng matrikula ng 10.07 porsiyento. Bukod pa ito sa mga di-maipaliwanag na mga bayarin tulad ng energy fee, development fee at iba pa.

Sobrang taas na nga ng mga bayarin, bulok at kulang-kulang pa rin ang mga pasilidad.

“Kung tutuusi’y mas mahal pa ang isang bala ng M16 na nagkakahalaga ng P14 sa ginagastos ng gubyerno sa isang estudyate kada araw na aabot lamang ng P11.”

Sa batayang antas, hindi na nakakagulat na gagamitin na namang silid-aralan ang mga hagdanan, ilalim ng puno, at kahit mga lumang palikuran. Pilit pang pinagtakpan ito ng Department of Education (DepEd) at ng pamahalaang Arroyo sa pagpapatupad ng double shift sa paggamit ng mga silid-aralan, na umaabot pa sa apat na shift sa ibang malalaking paaaralan. May mga paaaralan ding pinagsasama ang mga magkakaibang grade level sa iisang classroom dahil sa kakulangan ng silid-aralan. Kahit sa mga ganitong hakbangin, nananatiling kulang pa rin ng 41,905 classroom ang mga pampublikong paaralan sa buong bansa ngayong taon, ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT).

Tila nananaginip din ang DepEd sa pagsasabing magiging 1:1 na ang textbook-pupil ratio ngayong taon. Noong nakaraang taon lamang, nasa 25 milyon ang tinatayang kakulangan sa textbook. Ayon pa rin sa ACT, kulang din ng halos 25,240 guro ang mga pampublikong paaralan para sa taong ito.

Kada taon, lumalaki ng 2.3 porsiyento ang bilang ng mga kabataan na nasa hustong gulang para pumasok sa paaralan. Subalit kasabay ng paglobo ng populasyon ng mga inaasahang papasok sa eskwela ay ang patuloy na pag-abandona ng gobyerno sa sektor ng edukasyon at paglobo naman ng gastusin sa eskwela.

Sa mismong sarbey ng gobyerno, isa sa bawat tatlong kabataang Pilipino na nasa edad 6 hanggang 24 ang nag-drop out o hindi pa nakatuntong sa paaralan. Tinatayang 11.6 miyong Pilipino or 34 porsiyento ng nasabing age bracket ang hindi pa nakakapasok o tuluyan nang di makakapasok sa eskwelahan. Pangunahing dahilan ng paglobo ng dropout rate at bilang ng mga out-of-school youth ay ang walang ampat na pagtaas ng mga bayarin sa eskwela, patrikular na sa antas ng kolehiyo.

Sa dami ng binabayaran sa kolehiyo, hindi rin nakakapagtaka na karamihan sa mga pinakamalalaking unibersidad sa bansa ay kabilang sa pinakamalalaking mga korporasyon hindi lamang sa bansa kundi sa buong Asya. Kabilang sa mga ito ang University of the East, Asia Pacific College, Centro Escolar University, De La Salle at Mapua. Higit pang makapangyarihan ang mga may-ari ng mga pribadong eskwelahan ngayon dahil sa pagbawi ng Malakanyang at CHED sa tuition cap o ceiling na dapat sana ay kokontrol sa kanilang pagpataw ng walang habas na pagtaas ng matrikula at iba pang mga bayarin sa mga estudyante.

Kung talagang sinsero ang pamahalaan na maibsan ang kalagayan ng mga estudyante at tugunan ang mga suliranin sa sektor ng edukasyon, hindi nito bibigyan ng dahilan ang mga unibersidad na tulad ng UP na magtaas ng matrikula bunsod ng pangkalahatang programa ng komersyalisasyon at pribatisasyon ng edukasyon sa bansa.

Mumong pasahod
Walang pambili ng pagkain. Walang pera pang-enroll. Makapag-enroll man, hirap naman sa baon, pamasahe at mga panggastos para makapagpatuloy sa pag-aaral. Ang ganitong kalagayan ang nagtutulak sa maraming kabataan na tumigil sa pag-aaral at magbakasakaling makadagdag sa panggastos ng kanilang pamilya.

Ayon sa komputasyon ng IBON, aabot sa P871 ang arawang kailangan ng isang pamilya. Sa kasalukuyan, P345-382 ang arawang minimum na sahod sa NCR, at mas mababa pa dito kung nasa probinsiya.

Insulto sa mga manggagawa ang P20 na dagdag-sahod na ibinigay noong ika-14 ng Hunyo – P15 dagdag-sahod at P5 lamang na cost-of-living-allowance o COLA. Tulad ng mga ipinamumudmod na mga subsidyo ng gobyerno, hindi sapat ito para maibsan ang araw-araw na pasanin ng mamamayan sa kabuhayan.

Hindi pa man rumururok ang pagtaas ng bilihin, umabot na sa 9.6% ang inflation rate, pinakamataas sa loob ng siyam na taon. Ang pagkain pa lang, tumaas na ng 14.3% noong Mayo kung ikukumpara noong nakaraang taon. Tinatayang higit pang tataas ang tantos nito ngayong darating ng mga buwan.

Kaya naman todo-todong paghihigpit ng sinturon ang ginagawa ng mga pamilyang Pilipino upang pagkasyahin ang kanilang kakarampot na kita sa bawat buwan. Sa tindi ng paghihigpit ay binabawasan na ng mga pamilya ang inilalaang pera para sabihing sapat na nilang nairaraos ang mga batayang pangangailangan

Ayon sa tala ng National Statistics Coordination Board (NSCB) at SWS, ang poverty threshold sa Metro Manila, o ang hinahabol na kitain ng isang pamilya para lamang mairaos ang kanilang batayang mga pangangailangan, ay pumapatak sa P10,000. Gamit ang naitalang Consumer Price Index na 149.8 (na ang baseline na taon ay 2000), ang mabibili sa halagang P10,000 noong 2000 ay P14,980 na ngayon. Ibig sabihin, tinitipid ng P4,980 ng mga pamilya ngayon ang kanilang gastusin upang pagkasyahin lamang ang parehong halagang ginagastos noong 2000.

Ang pagtitipid na ito ang kumain sa panggastos sana sa bahay, edukasyon, gamot at ibang pangangailangan.

Kaya naman karaniwan na sa mga pamilya ang magdagdag ng bilang ng nagtatrabaho upang makadagdag sa iba pang gastusin, kabilang na ang pagpapahinto sa mga anak sa pag-aaral upang sila’y maghanapbuhay. Ngunit huminto man sa pag-aaral, wala naman makukuhang trabaho ang malaking bahagi ng kabataan. Sa Labor Force Survey noong Enero 2008, 5 sa bawat 10 walang trabaho ay nabibilang sa edad 17-24.

Ayon sa pag-aaral, sa bawat 10% pagtaas ng presyo ng mga bilihin, madaragdagan ng higit sa 2.3 milyon ang bilang ng naghihirap na Pilipino. Higit dito ang bilang na madaragdag kung ikokonsiderang higit na sa 10% ang itinaas ng presyo ng mga produkto at tataas pa ito sa mga susunod na buwan.
Sinusubukan ng rehimen na pagtakpan ang pananagutan nito sa krisis sa pamamagitan ng mga walang silbing propaganda kaakibat ang pagbibigay ng mga subsidyo na kinuha sa VAT. Ngunit anumang pagtatangkang gawin ni Arroyo’y hindi nito mapagtatakpan ang katotohanang ang kanyang mga palsong patakaran, pangangayupapa sa dayuhan at sobra-sobrang pangungurakot ang salarin ng kasalukuyang krisis.

Pahirap na VAT
Isa sa mga pinakamapinsala at pabigat na patakaran ng rehimeng Arroyo ang pagpataw ng Value Added Tax sa mga pangunahing bilihin, partikular na sa mga produktong petrolyo.

Ayon sa Kontra-KulimVAT, tinatayang P18 bilyon ang kikitain ng gobyerno sa VAT sa langis para sa taong ito, habang P5.47 milyon kada araw ang nakokolekta nito sa bawat P1 kada litrong pagtaas ng presyo ng langis.

Lubhang napakalaki ng epekto ng sinisingil na VAT (Value Added Tax) sa langis, kuryente at iba pang bilihin. Dobleng bayarin ang pinapasan ng mga mamamayan sa bawat pagtaaas ng presyo dahil sa VAT.

Kaya naman walang maituturing na mapagpasyang aksyon upang pigilan ang pagtaas dahil nangangahulugan ito ng pagtaas ng nahuhuthot ng gobyerno na VAT.

Ang mas malaking kita ng rehimeng Arroyo ang siya namang gagamitin nito para mang-akit (collateral) sa mga dayuhang pautang na siyang pinakainaasahan nito sa pambansang pondo. Noong 2006, halimbawa, itinala ng Bayan (Bagong Alyansang Makabayan) na nakapangolekta ang gobyerno ng average na P4.34 kada litro mula sa VAT sa mga produktong petrolyo. Ngayon taon, tinatayang madadagdagan pa ito ng 72 sentimos kada litro dahil sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis. Ang pinakamasakit, ang kitang ito ay pawang nakukulimbat sa bulsa ng mga konsumer at mamamayan na sadsad na nga sa lingguhang pagtaas ng presyo ng langis sa pamilihan.

Samantala, patuloy namang isinasawalang-bahala ng administrasyong Arroyo ang panawagan ng kabataan at mamamayan na kanselahin ang VAT sa mga produktong petrolyo.

Pilit ‘pinapabango’ ang VAT sa mamamayan sa pamamagitan ng programang ‘KATAS ng VAT’ para diumano’y makatulong sa pantawid-gutom, bayarin at matrikula ng mamamayan. Halimbawa nito ang P2 fuel subsidy, one-time P500 cash subsidy, at ang karagdagang mga iskolarship na mula daw sa kita ng VAT.

Ngunit sa katotohanan, kabalintunaan ang kaayusang ‘konsyumer rin ang aalalay sa mismong kosyumer’ na konseptong ito. Sa ganitong kaayusan, walang tulong na naiaambag sa aktwal ang gobyerno. Doble-pahirap at doble-pabigat lang ito sa bulsa ng taumbayan.

Hindi magawang tanggalin ng gobyerno ang VAT dahil ayon mismo sa pahayag ng Department of Finance (DOF), wala raw ibang panggagalingan ang 2008 budget kundi ang VAT. Sa halip raw na kanselahin ang VAT, iminungkahi ng DOF na ‘gamitin na lamang daw ang VAT para sa mga gastusing magpapagaan sa epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa mga mahihirap nating kababayan.’

Gayunpaman, nananatiling di hamak na mabigat na pasanin para sa mamamayan ang dagdag-bayaring VAT.

Ayon sa Bayan, makakatipid ng P5.83 kada litro sa unleaded gasoline, P5.29 sa kerosene, P4.98 sa diesel, at P68.83 kada 11-kilogram cylinder tank and mga konsyumer kapag kinansela ang VAT sa langis. P160-360 din ang mababawas sa mga gastusin sa monthly electric bill kapag tinanggal ang VAT sa kuryente.

At nananatiling ang kanselasyon ng VAT sa langis ang siyang pinakamabilis na magpapababa sa presyo ng langis sa kasalukuyan at magbibigay ng taktikal na ginhawa sa kabuhayan ng mamamayan.

Kapag bumaba ang presyo ng langis at kuryente, maaari din bumaba ang iba pang bilihin.

Sa kasalukuyan, mayroon nang dalawang panukalang batas na nakahain sa Senado na naglalayong isuspindi ang VAT sa langis – ang Senate Bill (SB) 1962 ni Sen. Mar Roxas para sa pagkansela sa VAT sa langis sa loob ng 6 na buwan; at ang SB 1977 naman ni Sen. Miguel Zubiri na nagpapanukalang i-exempt ang mga produktong petrolyo (at kuryente) sa koleksyon ng VAT. Ang dalawang panukalang batas na ito ay pawang pending sa ways and means committee ng Senado simula pa noong Disyembre noong nakaraang taon.

Sa Kongreso naman, naghain ang Gabriela Women’s Party ng House Bill 3442 para sa kanselasyon ng VAT, habang pagtanggal sa VAT sa mga produktong petrolyo ang laman ng panukala ng Bayan Muna. Wala pa ring nakatakdang pagdinig para sa mga panukalang nabanggit.

Pangangayupapa sa dayuhan at mga neoliberal na patakaran
Bunsod ng pagsahol ng krisis ang pagpapatupad at pangangayupapa ni Arroyo sa mga neo-liberal na patakarang deregulasyon, liberalisasyon at pribatisasyon sa ekonomiya. Todo-todong pinagbibigyan ang dayuhang kapital at mga lokal na naghaharing-uri sa paghutot ng dambuhalang tubo na kinakatas mula sa mamamayan. Higit na ibinubugaw ang ekonomiya at ibinubuyangyang ang mamamayan sa pagsasamantala ng dayuhang kapital. Tinatanggal ang regulasyon sa presyo ng mga batayang bilihin, ibinebenta ang mga serbisyo at mga pag-aari ng gubyerno, binibigyang laya ang pagpasok ng kapital at produkto ng walang anumang kontrol.

Sa industriya ng langis, halimbawa, salarin ang Oil Deregulation Law sa deregulisado at malayang pagmonopolyo ng mga dambuhalang kumpanya ng langis sa naturang industriya. Dahil dito, walang kontrol ang gobyerno sa anumang ipapataw na pagtaas ng presyo, kahit pa bunga lamang ito ng ispekulasyon at artipisyal na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Samantala, pribatisado naman ang mga batayang industriya tulad ng kuryente at maging bigas, mga dahilan kung baket walang kontrol ang gobyerno mula sa pagsuplay, pagpataw ng presyo at hanggang sa distribusyon ng mga ito.

Gayundin sa sektor ng edukasyon, nananatili ang patakarang deregulasyon sa matrikula na walang ibang pinagsisilbihan kundi ang interes ng mga kapitalista-edukador habang todo-todong binabawasan naman ang badyet para sa edukasyon. Education Act of 1982 ang isa sa mga matagal nang salarin sa paglala ng krisis sa sektor, na magpahanggang ngayon ay hindi pa rin natatanggal at napag-aaralan. Itinutulak ng batas ang tuwirang pagdederegulisa sa pagtaas ng matrikula at iba pang mga bayarin sa loob ng mga paaralan at pamantasan.

Sa ilalim ni Arroyo natala ang pinakamaraming binentang mga ari-arian ng gubyerno na sa loob ng isang taon na umabot sa P90.6B noong 2007. Halos katumbas na ito ng lahat ng ibinenta sa 15 taon sa ilalim ng tatlong nagdaang rehimen.

Si Arroyo din ang pangunahing nagtulak na pumasok ang Pilipinas sa WTO, na higit na nagtulak sa bansa na pumaloob sa mga di pantay na kasunduan sa mga malalaking bayan.

Lalong winasak ng mga patakarang makadayuhan ang ekonomiya ng bansa, na dahilan ng higit na pagbaba ng produksyong agrikultural ng bansa na nagdudulot ng higit na pagbagsak ng kakayanan na lumikha ng sapat na pagkain para sa mamamayan. Mayor na salik ito sa dinadanas krisis sa pagkain at bigas sa kasalukuyan.

Sobrang korupsyon
Ang matinding krisis sa ekonomiya ay pinapasahol pa ng malakihang pagnanakaw sa kaban ng bayan sa pamamagitan ng mga maanomalyang kontrata at pagmamanipula sa pondo ng gobyerno, tulad ng ating nakita sa NBN-ZTE deal, Fertilizer scam at di na mabilang na kaso ng korupsyon na kinakasangkutan ng pamahalaang Arroyo.

Ang pondo na sana’y nailalaan sa pagtugon sa pangangailangan ng kabataan at mamamayan ay nauuwi sa bulsa ng iilang ganid sa Malakanyang. Ang ZTE-NBN deal pa lamang na nagkakahalagang $329M, ay katumbas na ng 24 taon na pondo para sa PUP. Isa lamang ang kontrobersyang ito sa mahabang listahan ng mga kinurakot ni Arroyo na katumbas na ng bilyon-bilyong piso. Kasama sa mga pangungurakot na kinasangkutan ni Arroyo ang Jose Pidal Scandal (P321M), Diosdado Macapagal Blvd Overpricing (P536M) Fertilizer Scam (P728M), IMPSA (P700M), PAGCOR, PhilHealth Cards, JanCom Contract, Jueteng at marami pang iba.

Pampulitikang panunupil
Dahil desperadong manatili sa pwesto sa harap ng hindi maampat ang krisis panlipunan, ginagawa ni Arroyo ang lahat para pigilan ang pagpapatalsik sa kanya sa pwesto.

Kasabay ng paghagupit ng krisis sa kabuhayan ang nakaambang muling pagsidhi ng krisis sa pulitika dahil pa rin sa nagpapatuloy na tunggalian ng mga naghaharing paksyon sa gobyerno. Kamakailan lamang ay muling nauungkat ang tuwirang pagkakasangkot ni Arroyo at FG Mike sa NBN-ZTE deal. Nailantad ang mga incriminating na mga larawang nagpapatunay na mismong si Arroyo ay may kinalaman sa pagsusulong ng kasunduan. Pinakahihintay ngayon ang pangakong pagtestigo at pagsasambulat ni dating Speaker Jose de Venecia sa darating na Senate hearings.

Subalit hindi pa man siya nagsasalita, kaliwa’t kanan na ang tangka ng Malakanyang upang siraan ang kanyang kredibilidad, tulad rin ng ginawang paninirang-puri kay ZTE star witness Engr. Rodolfo ‘Jun’ Lozada, at maging kay ZTE whistle-blower Joey de Venecia III.

Patuloy na paglabag at pagkitil sa karapatang-tao ng lumalabang mamamayan, lalo na sa mga kilalang lider at aktibistang tumutuligsa sa kanya. May tala ang KARAPATAN ng 13 biktima ng extra-judicial killings, 6 na biktima ng pagdukot, 5 kaso ng pagtortyur at 25 kaso ng iligal na pag-aresto sa unang kwarto para lamang ng 2008.

Muling sumasambulat ang sunud-sunod na kaso ng pagpatay, pagdukot, pananakot, militarisasyon sa kanayunan at lunsod; maging ang pagsampa ng mga gawa-gawang kasong kriminal sa mga mga lider-aktibista at kasapi ng mga organisasyong masa. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin inililitaw ang dalawang mga mag-aaral ng UP na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan na dinukot ng mga militar 2 taon ang nakararaan.

Ayon sa KARAPATAN, may 903 nang biktima ng pagpatay at 193 na biktima ng pagdukot mula nang umupo si Arroyo sa pwesto noong 2001.

UGAT NG KRISIS: BULOK NA SISTEMANG PANLIPUNAN

Ang kasalukuyang krisis sa kabuhayan at maging sa pamahalaan ay nakaugat sa kinakatawan ni Arroyo na bulok na sistemang malakolonyal at malapyudal ng lipunang Pilipino. Patuloy na sakmal ng dayuhang kapangyarihan ang ating ekonomiya at gubyerno, habang nananatiling atrasado ang ating produksyon.
Higit pang pinalalala ang mala-kolonyal at malapyudal na katangian ng lipunang Pilipino sa sagad-sagaring pagkatuta ni Arroyo sa dayuhan at desperasyon na makapanatili sa pwesto. Walang ibang dulot ito kundi papatinding kahirapan, kagutuman, pambubusabos at panunupil sa mamamayan.

Nananatiling sakmal ang bayan ng tatlong batayang suliranin: Imperyalismo, Burukrata-kapitalismo at Pyudalismo. Ito ang dahilan kung bakit ang kayamanan ng bayan ay nakokonsentra lamang sa iilang naghahari at mga dayuhan habang mayorya naman ng mamamayan ay lubog sa kumunoy ng krisis at kahirapan.

Kaharap ang ganitong kalagayan, walang ibang rekurso si Arroyo kundi ang maghayag ng mga ampaw na pangako at panandaliang lunas sa likod ng patuloy na paghikayat sa dayuhang pangangapital at patuloy na pag-eeksport ng produkto, serbisyo at pwersang paggawa. Ang tanging tunguhin ng gobyerno ay ang patuloy na pagkamal ng kita sa pamamagitan ng pag-udyok sa dayuhan at pribadong kapital kapalit ng kagalingan ng mga lokal na industriya at mga manggagawa. Kaya naman gayon na lang rin ang pagpupumilit ni Arroyo at ng kanyang mga kasapakat na pumasok ang bansa sa mga kasunduang lantarang nagbebenta at nagpapahamak sa mga likas-yaman ng bansa.

Ibinebenta rin sa napakamurang halaga ang pwersang paggawa ng mga Pilipino sa mga business process outsourcing (BPO) tulad ng mga call canter at iba pa, o di kaya’y sa pamamagitan ng labor export policy sa hanay ng mga overseas Filipino workers (OFW) – pawang mga patakaran at programang nagpapasidhi sa pambubusabos sa mamamayan.

Upang tunay na magbago ang panlipunang kalagayan, dapat mabago ang esenysa ng lipunan at estado na nagtataguyod sa interes ng iilang naghahari na nagsasamantala sa mayorya ng mamamayang lugmok sa krisis at kahirapan.

PATALSIKIN SI GLORIA! ISULONG ANG PAMBANSA-DEMOKRATIKONG PAKIKIBAKA!

Bilang tugon sa krisis, kailangang kagyat na pakilusin ang daan libong mamamayan para patalsikin ang papet na rehimeng Arroyo at itindig ang isang transisyong konseho na magsisigurong may tiyak na patutunguhan ang tagumpay ng sama-samang pagkilos ng mamamayan. Kasabay nito titiyaking higit na mapapalakas ang kilusang masa na babagtas sa landas ng pambansa-demokratikong pakikibaka. Ito ang kilusang magluluwal ng pangmatagalang pagbabagong panlipunan lipunan at mag-aakay sa bayan sa landas ng tunay na kalayaan at demokrasya.

Napakainam ng kasalukuyang kalagayan upang higit pang ilantad si Arroyo at ang bulok na sistemang panlipunan sa malawak na hanay ng mamamayan. Walang ibang may pinakamalaking pananagutan sa pinakamalalang krisis sa ekonomiya at pulitika kundi ang rehimeng US-Arroyo. Dapat singilin ang rehimen sa mga krimen nito sa mamamayan.

Inaasahang higit pang iigting ang krisis sa ekonomiya dahil na rin sa inutil at tutang administrasyong Arroyo. Gayundin, nananatiling nakaantabay ang mamamayan sa pag-init ng krisis sa pulitika sa pamamagitan ng isyu ng korupsyon at paglabag sa karapatang-tao.

Ang mahigpit na pagkawing sa mga isyung pang-ekonomiya sa mga usapin sa pulitika at panawagang patalsikin si Arroyo ang magiging susi sa inaasahang paglakas ng kilusang masang naghahangad ng makabuluhang pagbabagong panlipunan sa hinaharap.

Dapat nating imulat ang mas maraming bilang ng mamamayan sa pangangailangan ng pambansa-demokratikong pakikibaka na magbabagsak sa kapangyarihan ng iilang naghahari sa bayan at magbubukas ng landas ng tunay na kalayaan, demokrasya at kasaganahan para sa nakararaming mamamayan. ###

Labanan ang tumitinding kahirapan, kurupsyon at panunupil!

Patalsikin at panagutin ang rehimeng US-Arroyo!

Ibagsak ang Imperyalismo, Burukrata Kapitalismo, Pyudalismo!

Makibaka, ‘wag matakot! Isulong ang pambansa-demokratikong pakikibaka!

Mga sanggunian:
Ibon Databank
Ibon Facts and Figures
National Situation, 28 September – 2 October 2007 (BAYAN National Council Meeting)
Hinggil sa Pagtaas ng Presyo ng Langis, Enero 7, 2008 (Bayan)
Hinggil sa Pagtaas ng Presyo ng Langis, Nobyembre 2007 (Anakbayan)
Understanding high power rates under the Arroyo regime, May 7, 2008 (Bayan)
Praymer sa Krisis sa Bigas, Mayo 2008 (Bayan, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas)
KONTRA-KulimVAT Briefer
Notes on recent oil price trends and VAT, Mayo 15, 2008 (Bayan)
Walang Kapantay Na Paglala Ng Krisis Sa Edukasyon Sa Ilalim ng Rehimen ni
Gloria Macapagal-Arroyo, Hunyo 2006 (Anakbayan, LFS, NUSP, CEGP, Kabataan)
Karapatan Monitor, Marso-Hunyo 2008
Si Arroyo at ang lumalalang krisis sa edukasyon, Hunyo 2008 (Kabataang Pinoy)

compilation of quotes from bob ong

Friday, November 7th, 2008

“Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”

“Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”

“Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba. ”
“Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

“Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

“Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

“Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”

“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

“Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang.”
“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?

“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”

“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

“nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the- blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”

“Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”

“ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko ”

“hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”

“hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. ”

“Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.”

“Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!).”

“Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.”

“Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa’yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?”

“Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan…”"

“Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.”

“Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”

“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”

“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”

“Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.”

“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”

“dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung ‘di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit.sobrang luri. kung alam lang ‘yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela.”

“iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala”

Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba.

” Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.

“Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din

” Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo ung pangalawa kase hindi ka naman magmamahal ng iba kung talagang mahal mo ung una

” Kung hindi mo naman talaga mahal ang isang tao, wag kang magpakita ng motibo para mahalin ka pa nya

hahaha wala lng trip lng ilagay

kanila ang 11 benta ng siopao!!!!! kowloon i-boycott suportahan ang pilipinong manggagawa!!!!!west ave.chapter

Friday, November 7th, 2008

KUNG tutuusin, hindi naman siya kasama sa listahan ng tinanggal na mga manggagawa. Ang luto ni Prudencio de Leon, 30 taon nang chief cook sa Kowloon House sa West Ave., Quezon City, ang dinadayo at binabalik-balikan ng mga kustomer.

Kaya nang iputok ng mga manggagawa sa restawran ang welga noong Setyembre 19, nagmakaawa kay Prudencio ang manedsment: magtrabaho na lamang siya at bibigyan pa siya ng dagdag-na-sahod. May dalawang anak sa kolehiyo pang pinag-aaral ang 49-anyos na cook, pero ni hindi siya nagdalawang-isip.

“Umulan, umaraw, nanditong nakikibaka,” sabi niya, nakangisi pa nga, hawak ang plakard na gawa sa sako ng bigas.
Simpleng matematiks lang, aniya, ang dahilan ng kanilang pagwewelga. Ang Kowloon House ang isa sa maraming establisimyento sa Pilipinas na hindi nagpapasahod ng minimum - kahit sa mga manggagawang halos 40 taon na sa serbisyo.

Kuwento ng pambabarat

“Yung amin lang ang hinihingi namin. Hindi naman kami humihingi ng sobra. Ibinigay naman talaga ‘yan ng gobyerno,” ayon kay Jessie Catamio. Taong 1970 nang una siyang pumasok sa restawran. Bata pa lang noon ang kasalukuyang mga manedyer na sina Paul at Michael Ng, nagtatrabaho na siya bilang food checker.

Ang minimum na sahod noon, wala pang P6. “Mabubuhay ka, pero hindi ‘yung sobra-sobra,” aniya.

Nagsimulang baratin ng kompanya ang mga manggagawa nang hindi ibinigay ang P50 ECOLA (Emergency Cost of Living) na nakasaad sa Wage Order 9 noong 2001 at Wage Order 10 noong 2004 ng RTWPB (Regional Tripartite and Wages Productivity Board) ng National Capital Region.

Samantalang ang Wage Order 11 at 12 noong 2005 at 2006 na tig-P25 dagdag-na-sahod, tig-P12 lamang ang ibinigay sa mga manggagawa.

Noong Agosto 2007, naglabas muli ang RTWPB ng NCR ng Wage Order 13 na P12 dagdag-na-sahod at pagsama ng P50 na ECOLA sa basic pay. Mas madiin na itong iginiit ng unyon, pero hindi pa rin naibigay.

Sa pinakahuling wage hike noong Hunyo 2008, umabot na sa P20 ang itinakdang dagdag-sahod ng RTWPB. Para kalampagin ang manedsment hinggil sa patung-patong na pagkakautang nito sa mga manggagawa, nagsagawa sila ng piket-protesta noong Hunyo 20 at 21.

“[Iyon] ay mapayapang sama-samang pagkilos sa panahon ng aming breaktime. Walang natigil na produksiyon at malayang nakapasok ang mga kustomer sa restawran,” ayon kay Edmund Navarosa, presidente ng Kowloon West chapter ng Glowhrain (Genuine Labor Organization of Workers in Hotel, Restaurant, and Allied Industries)-KMU (Kilusang Mayo Uno).

Sinampahan sila ng manedsment ng kasong illegal strike sa NLRC (National Labor Relations Commission).

Napilitang makipag-usap ang manedsment sa mga manggagawa. Pinangakuan sila ng P50, mula sa P82 na itinakda ng Wage Order 13 at 14. Noong Agosto, sumahod sila ng dagdag na P25. Maliit man kaysa sa napagkasunduan, tinanggap na rin ng mga manggagawa. “Tiwalang-tiwala kami na ayos na,” ani Navarosa.

Pero hindi pa rin napalagay ang maraming manggagawa. Nagbanta pa kasi umano ang manedsment na mayroong “kapalit” ang ibinigay sa kanila.

Tanggalan pala ang tinutukoy ng mga Ng. Tila inasahan na nila ang desisyon ng NLRC noong Set. 12 kung saan idineklara ni Labor Arbiter Aliman Mangandog na illegal strike ang kilos-protesta ng unyon noong Hunyo.

Noong Set. 14, hindi na pinapasok ng mga guwardiya ang 73 manggagawang nasa listahan ng termination order ng kumpanya.

Agad-agad na nagpulong ang unyon at mayorya ang bumoto pabor sa welga. Unfair labor practice at union-busting ang binigay nilang dahilan sa inihaing Notice of Strike noong Set. 15.

Nalulugi raw?

Gaya ng iba pa, idinahilan ng manedsment ng Kowloon House na nalulugi ang kompanyang Katipunan Food Services Inc. kaya hindi madagdagan ang sahod ng mga manggagawa. Pero ayon sa mga welgista, katumbas lamang ng 11 araw na benta ng restawran ng siopao ang halaga ng kanilang backwages o sahod na hindi pa nila natatanggap.

Umaabot sa P3,498,600 ang kanilang backwages. Sa loob ng isang araw, nakakabenta ang restawran ng 7,000 siopao. Sa halagang P47 bawat isa, aabot ang 11 araw na benta ng siopao sa P3,619,000.

Sapat na ito para mabayaran ng Kowloon House ang utang sa 140 manggagawa.

“Matapos nilang pagkakitaan ng ilang taon ang aming oras at lakas, ayaw pa nilang ibigay ang kakarampot na wage adjustment. Lalong wala silang karapatang tanggalin kami sa trabaho nang ganun-ganun na lang,” ani Navarosa.

Hinala rin ng unyon, umiiwas ang kompanya sa benepisyong dapat matanggap ng mga manggagawang karamihan ay malapit nang magretiro.

“Iilang taon na lang, di pa kami pinagbigyan,” ayon sa 57-anyos na si Jessie, na may siyam pa apo pang sinusuportahan.

Itinigil na rin ng Kowloon House ang pagreregularisa sa mga manggagawa. Kontraktuwal pa rin kahit ang mga nagtatrabaho ng 10 taon sa Kowloon House. Umano’y P250 kada araw lamang ang kanilang sinasahod. Wala silang natatanggap na payslip at hindi itemized o nakalista ang salary deductions o mga binabawas sa sahod.

Ayon kay Roger Soluta, bise-presidente ng Glowhrain-KMU, “Ehemplo ang Kowloon House ng marami pang mga kaso ng di pagsunod sa bogus na wage hike ng RWTPB. Pinalalakas nito ang panawagan naming lusawin ang wage boards na instrumento para lokohin ang mga manggagawa at umiwas sa pagsasabatas ng P125 dagdag-na-sahod.”

Dahasin man o suyuin

Dama ng mga nakawelga ang pagiging “kontra-manggagawa” di lamang ng NLRC na nagdesisyon pabor sa kompanya, kundi maging ng pulisya at militar na mabilis na umayuda sa manedsment nang iputok nila ang welga.

Bandang 6:45 ng umaga noong Set. 19, hinarangan ng mga welgista ang tatlong lagusan ng restawran. Nasorpresa ang mga guwardiya na nakahiga pa o di kaya’y nag-aagahan pa lamang. Wala pang sampung minuto, dumating ang halos 30 pulis at 10 sundalong naka-fatigues. Armado ang mga ito ng armalayt at .45 na baril.

Kuwento ng mga manggagawa, kinausap ng hepe ng mga pulis ang kumander ng mga guwardiya. “Itaboy ninyo sila palabas, at kami na ang bahala,” umano’y sabi nito.

Pinalibutan ng mga guwardiya ng dilaw na lubid ang restawran. Gamit ang mga baston, sinimulan nilang itulak ang mga welgista.

Kapit-bisig sila. Biglang dumating ang midya. Nagtago, anila, ang mga pulis at sundalo, pumasok sa kalapit na mga establisimyento. “Akala mo giyera,” sabi ng isang welgista.

At tulad ng isang giyera, may taktikang marahas, may taktikang mapanuyo.

Umano’y pinupuntahan na ng manedsment sa bahay ang mga manggagawa at kinakausap ang mga pamilya nila para kumbinsihing huwag sumali o iabandona ang welga. Hindi ito umubra kay Prudencio, na nagsabing, “Magugutom naman ang mga kasamahan ko dito. Eh di ipaglaban na namin nang sama-sama.”

Nakasabit sa restawran ang malalaking karatulang “Business As Usual”. Pero alam ng chief cook at iba pang manggagawa ng Kowloon House, iba ang lasa ng mga putaheng inihahain sa mga kostumer. Hindi kasing-sarap. Tutal, anila, matagal nang nagpakasarap ang mga amo nila habang sila ay nagpakahirap. Ngayon, matitikman ang kanilang pagbabalikwas.

gloria pasista pahirap sa masa

Tuesday, November 4th, 2008

Madilim ang bukas na naghihintay para sa mga kabataan sa ilalim ng pasistang pamumuno ni Gloria Macapagal-Arroyo. Mas nagiging kagyat ang pangangailangang mapatalsik sa puwesto ang papet, pasista, pahirap sa masa at pekeng pangulong si Gloria!

Sa loob ng limang taon nitong pag-upo sa Malacanang ay lumubha ang kalagayan ng mga Kabataang-Pilipino at ng buong sambayanan. Ang hindi maampat na pagtaas ng presyo ng gasolina, ang dagdag na pahirap na EVAT na dahilan ng paulit-ulit na pagtaas ng pasahe at ng mga presyo ng bilihin ay sunud-sunod na hambalos sa naghihikahos na mamamayang Pilipino. At ang tumitinding komersyalisasyon ng edukasyon ang naglalayo sa kabataan sa realisasyon ng kanyang mga pangarap. Nangangahulugan na mas marami pang mga kabataan ang napagkakaitan ng karapatan sa edukasyon, trabaho at magandang kinabukasan.

Malala pa dito, pilit tinatabunan ng kung anu-anong isyu ang malaking usapin ng pandaraya ni Gloria noong nakaraang eleksyon. Kung inaakala ng kampo ni Gloria na nakalimot na ang masang Pilipino, sila ay nagkakamali. Hindi na mabubura sa kasaysayan ang pandarayang ginawa ng pekeng pangulo maupo lamang sa pwesto. Hindi na rin sapat ang paghingi ng “sorry” para mapagtakpan ang iba pang kasinungalingang pakana ng walang moralidad na si Gloria!

Ang mga pasistang mga polisiya tulad ng eo 464, Calibrated Preemptive Response (CPR) at PP1017 ay patunay lamang kung gaano na kadesperado si Gloria na supilin ang lumalakas na pagtutol ng mamamayan sa kanyang pamumuno. ang araw-araw na pagpaslang sa mga lider-masa, mamamahayag, nagsusulong ng mga karapatang pantao, maging ng mga lider-estudyante ang tugon ni Gloria sa bawat boses na naglalabas ng hinaing ng mamamayan.

At upang patuloy na linlangin ang mamamayan ay pursigidong isinusulong ang Charter-Change na nagpapatunay lamang kung gaano na kalasing at kagahaman sa kapangyarihan si Gloria. Ang kasalukuyang Cha-cha ay isa lamang maniobra upang makapagpalawig sa poder ng kapangyarihan si Gloria at upang tuluyan nang makatakas sa mga kasalanan nito sa mamamayan.

Ang ganitong mga konkretong kalagayan ang humihingi sa lahat ng mga kabataang nagmamahal sa kalayaan at demokrasya na magpaigting ng pagkilos upang putdin ang pasistang paghahari ni Gloria. Hindi na sapat ang manahimik lamang sa lahat ng panlilinlang na ginagawa ng kasalukuyang administrasyon. At dahil sa ganitong pangangailangan ay nailuwal ang [link]. Na naglalaman ng totoong mukha ni Gloria…
Papet… dahil sa walang kagatul-gatol na pagsunod at lantarang paninipsip sa Impeng US!
Pasista…Dahil sa mga anti-mamamayang polisiya na pilit isinusulong at ipinapasa!
Pahirap sa Masa… dahil sa lalong pagsadlak ng mga Pilpino sa kahirapan
Berdugo…Dahil sa patuloy na pagdanak ng dugo ng mga makamasa at makabayang lider kapalit ng pagtatanggol sa karapatan ng mamamayan!
Peke…Dahil sa ginawang kasinungalingan at tahasang pandaraya mapanatili lamang sa poder na kapangyarihan!
Ang sigaw ng kabataan…
Gloria…tuta! Gloria…tuta! Gloria…tuta!
Papet, pasista, pahirap sa masa! Patalsikin si Gloria!

Ang site na ito ay naglalayong dalhin ang kampanya ng pagpapatalsik kay Gloria sa makabagong larangan o pamamaraan. Nagnanais itong makaabot sa mas marami pang mga indibidwal na may kaparehong sentimiyento at sa isang paraan ay magsilbing instrumento upang pagkaisahin ang ating layunin. Nais din nitong mahikayat ang marami pang kabataan na makibahagi sa makabuluhan at makasaysayang pakikibaka para sa tunay na pagbabago.

remittance economy

Tuesday, November 4th, 2008
Tagumpay raw ang katatapos na ang at na araw na 2nd Global Forum on Migration and Development. Kung ano man ang rekomendasyong lumabas, “nakasalalay pa rin ito sa isang matatag, may gulugod at isang gubyernong may political will; ang pagkakaroon ng isang effective at klarong patakaran, ang pagreregularisa ng mga international convention at paggawa ng mga batas patungkol sa proteksyon at karapatan ng mga migrant workers, pagkakaroon ng binding at bitaleral agreement sa bawat bansang tumatanggap ng OFW at upang lubusang maunawaan ang kalagayan, ang pagkakaroon ng isang maayos at accurate na pananaliksik sa kalagayan at sitwasyon ng migrant worker.”
Nangibabaw ang interest ng private enterprises (private sector, banks, corporations, recruitment agencies at money transfer companies) kung ikukumpara sa matagal ng advocacy ng migranteng manggagawa at civil societies. Sa temang “pagpapalakas at pagsasakapangyarihan,” mas nanaig ang paninging isang “kalakal, commodity ang migrant worker.” Dahil dito, inaasahang “magpapatuloy ang pagsasamantala, pang-aapi at titindi ang kawalang katarungan at paglabag sa karapatang pantao ng migranteng Pinoy. Dagdag pa, “mas magiging masalimuot, hihigpit (restricted) at magiging competitive ang migrant worker ng mundo.”
Bawat isa sa atin ay may kamag-anak na OFW at migrante sa US, Europe, Australia/New Zealand, Middle East, Africa o Asia. Isang halimbawa ay ang bunso kong kapatid. Nung magpasya siyang mag OFW, parang walang may K o mangahas na pigilan siya o awatin. Ilan taon din siyang hirap sa buhay, nakikitira sa aming magulang. Kahit isang propesyunal, hirap makahanap ng trabaho at ang tanging pansalba ay ang kakaramput na kita ng kanyang asawang Engineer. Lumalaki ang kanyang tatlong anak at kailangang matugunan ang sustento’t pangangailangan.
Sa mahigit sampung taon sa Saudi, nagsarili’t bumukud siya sa aming magulang at nagkaroon ng sariling bahay, sasakyan, kumpletong gamit at simpleng pamumuhay. Ang kanyang tatlong matatalinong anak ay nasa mga kilalang private school sa Quezon City. Sa tuwing anim na buwan, siya’y umuwi’t dinadalaw ang kanyang mga anak. Ang kanyang engineer na asawa na matagal ng namamasukan sa isang Engineering Firm sa Ortigas ay nakasungkit ng kontrata sa New Delhi, India at ngayon’y nakikipagsapalaran alang-alang sa pamilya.
As of December 2007, may sampung (10.0) milyong Filipinos na ang nag-alsabalutan at ngayo’y nanirahan sa mahigit 190 bansa sa mundo. Ayon sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA), may isang milyong Filipinos (1.07 milyon) ang nagma-migrate taun-taon. Anuman ang kahinatnan sa OFWi, mag-iintensify ang human instict for survival papalabas ng pamilyang Pilipinong nagnanais mabuhay bilang tao.
Ang Pilipinas na ang isa may pinakamlaking bilang na exporters ng manggagawa at mukhang tinapatan na nito ang India, China at Mexico. May mahigit isang milyon ang mga undocumented (excluding Sabah, Malaysia), halos limang libo ang inaalipusta, hinuhuli at sapilitang isinisiksik na parang sardinas, tratong hayop at ginagahasa ang mga kababaihan. Ang malupit, may 30 ang nakahanay sa death row na nag-aantay ng tulong mula sa gobyernong Arroyo.”
Ang MIGRATION ay produkto ng mahabang kasaysayan ng karalitaan, underdevelopment, kawalang pag-asa’t oportunidad at maayos na distribusyon ng yaman ng bansa. Ayon sa mga historiador, bago pa dumating ang mga Kolonyalistang Kastila’t Amerikno, kalat na ang mga ninuno natin sa Asia-Pasipiko. Noong 1960s-mid70s kung saan itinuturing isa sa pinakamaunlad na bansa sa Asia ang Pilipinas, ” diniklarang pansamantalang (temporary) STOP GAP economic at employment measure ng gubyernong Pilipinas ang MIGRATION.” Ipingako ng mga sumunod na presidente (Cory, FVR, ERAP) na kung sakaling marating ang status na “Newly Industrialized Country (NIC)” ititigil ang MIGRATION. After 30 years, nagtuloy-tuloy at nag-intensify ang labor export ng Pilipinas. Ang inaa-asam-asam na NIC , naging bangungot.
Ayon sa World Bank, umabot na sa $251.0 bilyon ang remittances ng OFW at nilagpasan nanito ang Official Development Assistance na nagkahalaga lamang ng $104.0 bilyon. Parang siya na ang bumubuhay sa bangkang papel na ekonomiya ng bansa. Tinitingalang bagong modelo ng kaunlarang umaasa sa remittances at consumption based, imbis na linangin ang mga highly skilled at professional para sa sariling pakinabang (industrialisasyon), brain drain o parang silver platter na ibinibigay sa mauunlad at umuunlad na bansa ang mga ipinundar, pinagbuwisan, (doctor, nurses, teachers, architects, artist, engineer, scientist at Information technologist) at nilikhang katalinuhan, karunungan, kasanayang siensya’t teknolohiya at resources ng Pilipinas. Sa bandang huli, tayo rin ang magiging kawawa. Walang dudang mas malaki ang trahedyang kabayarang papasanin ng lipunang Pilipino kaysa sa ganansyang dollar remittances.
Walang klarong study at malalimang pananaliksik sa kung nakakatulong ba sa pag-unlad ang dollar remittances sa bansa o sa mga kumunidad? Ano mang larawang ipinapakita, ito ma’y macro-micro analysis ng magkabilang panig, trahedya’t hulog ng langit, para sa isang MIGRANT WORKER, “mai-ahon sa karukhaan ang sariling pamilya’t kamag-ankan, makatulung sa isang kababayang nakikipagsapalaran sa ibayong dagat at makapag-ambag kahit paano sa kaunlaran at pagbabago.” Trahedya man at “modern day slavery ang OFW penomenom,” magpapatuloy ang pag-aalsa balutan at pangingibang bansa ng ating mga kababayan.
Ginagamit ng Malakanyang bilang SALBABIDA ang tinatawag na mga bagong bayani at dahil daw sa remittances, “gumaganda’t lumakas raw ang piso. Umunlad daw ng mahigit 6.9% ang ating Gross Domestic Product (GDP), tumaas ang per capita income, mula $1,000.0 nung 1990, umabot raw ito sa $1,400.0. “Nakahanay na raw ang Pilipinas sa Ikalawang Daigdig (2nd world) at wala na raw tayo sa kategorya ng Ikatlong Daigdig.”
Kaya lang, kahit anong klaseng panduduktor at pagmamanipula ng datos, taun-taon lumalaki ang insidente ng karalitaan. Dumausdus ang average family income at lumaki (10%) ang tunay na unemployment rate. Mahigit P400.0 bilyon taung-taon ang ipinangbabayad sa utang panlabas na dapat sana’y mapunta sa livelihood program, basic services at pagsasa-ayos ng mga lugar na prone sa kalamidad (dange zone: baha, bagyo, lindol, mga squatter sa tabi ng estero, tabing bulkan, bundok, epidemyang sakit).
Mayroon ngang dollar remittances, hawak naman ng Pilipinas ang trono bilang pinakamakapangyarihang bansang may industria ng KATULONG o SUPERMAID sa mundo. Bumabaha nga tayo ng dolyar kung ang nakikinabang naman ay mga bangko, recruitment agency, money transfer, real estate companies, consumerism- cell phone, IT products, mga Mall at wala tayong matatag na manufacturing industry, wala rin. May dolyar nga kung warat ang moral values, watak-watak, broken family, addict at iskul bukol ang mga anak, wala rin.
Tayo na ang may pinakamalaking squater’s colony sa buong Asia, may pinakamalaking bilang ng child labor sa buong mundo at may pinakamatagal na insureksyon at rebelyon sa mundo. Tayo na ang sumasapo ng basura (scrap at ukay-ukay) ng Japan, US, Australia, China, India at Malaysia. Wala tayong maipagmamalaking STEEL INDUSTRY na sana’y magbibigay daan upang makagawa ng makina na magpro-produce ng panibago pang makina, tools / kagamitan, barko’t katawan man lang ng eroplano o train na ine-export imbis na migrant workers. Puro abuloy ang barko de gera ng Phi. Navy at eroplanong pandigma’t helicopter ng Phil. Air Force.
Mahalagang pag-isipan ng gubyernong papalit (2010, kung sino man ‘yon) ang “alternative development strategy” na matagal ng adbokasiya ng maraming organisasyon kaysa sa labor export policy na itinakwil na ng mauunlad at mga kalapit-bansa.

Pasismo sa pamantasan at kataksilan ng Akbayan

Sunday, November 2nd, 2008

SA NAKARAANG buwan, paparami at papatindi ang mga kaso ng panghaharas at paglabag sa mga karapatan ng mga mag-aaral sa kampus: mula sa mga di-makatarungang mga parusa na ipinapataw ng kanya-kanyang mga administrasyon, hanggang panghihimasok ng mga militar at direktang panghaharas sa mga aktibista sa loob ng kampus.

Kamakailan lang, lumabas sa balita ang pagdakip ng mga mag-aaral sa ilang ahente ng militar na kumukuha ng mga litrato at naniniktik sa mga mag-aaral sa PUP (Polytechnic University of the Philippines). Matapos ang insidente, tuluy-tuloy na lantarang nagsagawa ng mapanirang mga propaganda at harassment ang mga sundalo laban sa mga organisasyon ng mga mag-aaral, kabilang ang konseho ng mag-aaral at publikasyon.

Higit pang matindi ang kampanyang ala-batas militar sa mga kampus sa mga rehiyon. Sa PUP-Lopez, Quezon, sinampahan ng gawa-gawang kasong rebelyon ang tatlong kasapi ng konseho ng mag-aaral, kasabay ng paninira at pananakot sa kanila at kanilang mga pamilya.

May iba’t ibang antas ng paniniktik at panghaharas din na naiulat sa mga yunit ng Unibersidad ng Pilipinas at iba pang paaralan. Gayundin, ipinagmamalaki ng mga sundalo ang paglulunsad ng mga porum sa pampublikong mga hayskul na naninira sa progresibong mga organisasyon ng kabataan at nananakot sa mga mag-aaral.

Noong isang buwan, sa JRU (Jose Rizal University) naman, 19 na mag-aaral ang di-makatarungang sinuspinde, apat dito ang pinatalsik ng administrasyon dahil sa paninindigan nila sa mga katagang “pag-asa ng bayan” at paglulunsad ng kampanyang room-to-room laban sa Value-Added Tax.

Target ng panunupil ang kilusang masang nanguna sa mga walkout at iba pang protesta ng kabataan at mamamayan laban sa korap at pahirap na rehimeng Arroyo. Takot ang rehimen sa higit pang paglawak at paglakas ng mga organisasyong nagtatanggol sa mga karapatan sa loob at labas ng kampus, lalo’t inilalatag nito ang mga hakbang para makapanatili sa puwesto hanggang 2010 at lagpas pa.

Kasabay ng pagtindi ng pasistang mga kampanya sa paaralan, isang batas para sa “karapatan at kagalingan ng mga mag-aaral” ang isinusulong sa Kongreso. Sa una’y aakalaing progresibo pagkat ilalatag ang mga karapatan ng mga mag-aaral. Ngunit sa pagsusuri ng nilalaman, tatambad ang kataksilan ng panukala.

Inilalako ngayon ng Akbayan! Party-list — isang partidong sa isang kampanya sa halalan ay idineklara ang sarili na “partido ng kabataan” — ang Straw (Students Rights and Welfare) Bill of 2007 o HB 2584 ni Rep. Risa Hontiveros-Baraquel. Bersiyon nila ito ng nakaraang mga tangka na isabatas ang isang Magna Carta para sa mga mag-aaral. Sa lahat ng bersiyon, ito ang pinakamahaba at pinakadetalyado. Ito rin ang pinakamapinsala.

Inilantad ng iba’t ibang organisasyon, sa pangunguna ng NUSP (National Union of Students of the Philippines), sa mga pulong sa loob ng Kongreso na ang mga panukala sa Straw Bill ay higit pang magpapamukhang lehitimo at magpapatigas ng panunupil sa mga pamantasan. Sa mga probisyon nito hinggil sa karapatan sa pag-oorganisa, kalayaan sa pagpapahayag, pagtatayo ng konseho at publikasyon, binibigyan pa nito ng puwang at lisensiya ang administrasyon ng mga paaralan para limitahan at kontrolin ang mga organisasyon, mga aktibidad at mga kalayaan ng mga mag-aaral.

Sa kongkreto, halimbawa, sa pag-apruba sa mga organisasyon sa loob ng paaralan at paglulunsad ng mga aktibidad, binibigyan nito ng masaklaw na kapangyarihan ang OSA (Office of the Student Affairs). Hinggil kalayaan sa pagpapahayag, nais ng probisyon na magkaroon ng isang lugar kung saan doon lang puwedeng magprotesta. Hinggil sa diyaryong pangkampus, pinaboran lang nito ang Campus Journalism Act o CJA, na ginagamit ngayon para ipitin ang pondo at paghigpitan ang mga publikasyong pangkampus.

Nakakasuklam ang bahagi ng panukala hinggil sa pagtaas ng matrikula kung saan itinatakda na magkaroon ng “minimum na mga pamantayan” ng konsultasyon sa bawat pagtataas. Sa aktuwal, bogus na konsultasyon gaya ng mga nagaganap sa kasalukuyan ang itinataguyod nito. Kung tutuusin, batay sa karanasan, dapat konsultasyon at pagsang-ayon ang isulong na patakaran.

Kataka-taka ring wala sa bersiyon ng Akbayan ang isang probisyong mayroon sa mga nauna, na tutol sa pagpasok ng militar sa mga pamantasan.

Siguro’y hindi nauunawaan ng mga sumulat ng panukala na bawat butas sa kanilang batas na puwedeng gamitin sa paniniil ay sasamantalahin ng administrasyon para kitlin ang karapatan ng mga mag-aaral – tulad ng ginawa sa CJA. Maaari ring wala talaga silang aktuwal na karanasan sa mga pakikibaka laban sa paniniil sa loob ng mga kampus at hindi naiintindihan ang mga implikasyon ng kanilang mga panukala. O, marahil, ito talaga ang kanilang pinipiling posisyon: ang pagbukambibig ng mga karapatan habang sa aktuwal ay pinapanigan ang mga puwersang sumisikil dito.

Para maakit noon ang mga kabataan na bumoto pabor sa kanila, ginamit ng Akbayan sa isa nilang poster ang mukha ni Che Guevara, isang tanyag na lider-rebolusyonaryo at icon ng mga progresibo. Pero ipinapakita ngayon ng kanilang praktika ang tunay na mukha ng kanilang pulitika: panig sa mga kleriko-pasista at taguyod ng tiraniya ni Gloria.