kanila ang 11 benta ng siopao!!!!! kowloon i-boycott suportahan ang pilipinong manggagawa!!!!!west ave.chapter

November 7th, 2008 by dandy-punksk8ter24

KUNG tutuusin, hindi naman siya kasama sa listahan ng tinanggal na mga manggagawa. Ang luto ni Prudencio de Leon, 30 taon nang chief cook sa Kowloon House sa West Ave., Quezon City, ang dinadayo at binabalik-balikan ng mga kustomer.

Kaya nang iputok ng mga manggagawa sa restawran ang welga noong Setyembre 19, nagmakaawa kay Prudencio ang manedsment: magtrabaho na lamang siya at bibigyan pa siya ng dagdag-na-sahod. May dalawang anak sa kolehiyo pang pinag-aaral ang 49-anyos na cook, pero ni hindi siya nagdalawang-isip.

“Umulan, umaraw, nanditong nakikibaka,” sabi niya, nakangisi pa nga, hawak ang plakard na gawa sa sako ng bigas.
Simpleng matematiks lang, aniya, ang dahilan ng kanilang pagwewelga. Ang Kowloon House ang isa sa maraming establisimyento sa Pilipinas na hindi nagpapasahod ng minimum - kahit sa mga manggagawang halos 40 taon na sa serbisyo.

Kuwento ng pambabarat

“Yung amin lang ang hinihingi namin. Hindi naman kami humihingi ng sobra. Ibinigay naman talaga ‘yan ng gobyerno,” ayon kay Jessie Catamio. Taong 1970 nang una siyang pumasok sa restawran. Bata pa lang noon ang kasalukuyang mga manedyer na sina Paul at Michael Ng, nagtatrabaho na siya bilang food checker.

Ang minimum na sahod noon, wala pang P6. “Mabubuhay ka, pero hindi ‘yung sobra-sobra,” aniya.

Nagsimulang baratin ng kompanya ang mga manggagawa nang hindi ibinigay ang P50 ECOLA (Emergency Cost of Living) na nakasaad sa Wage Order 9 noong 2001 at Wage Order 10 noong 2004 ng RTWPB (Regional Tripartite and Wages Productivity Board) ng National Capital Region.

Samantalang ang Wage Order 11 at 12 noong 2005 at 2006 na tig-P25 dagdag-na-sahod, tig-P12 lamang ang ibinigay sa mga manggagawa.

Noong Agosto 2007, naglabas muli ang RTWPB ng NCR ng Wage Order 13 na P12 dagdag-na-sahod at pagsama ng P50 na ECOLA sa basic pay. Mas madiin na itong iginiit ng unyon, pero hindi pa rin naibigay.

Sa pinakahuling wage hike noong Hunyo 2008, umabot na sa P20 ang itinakdang dagdag-sahod ng RTWPB. Para kalampagin ang manedsment hinggil sa patung-patong na pagkakautang nito sa mga manggagawa, nagsagawa sila ng piket-protesta noong Hunyo 20 at 21.

“[Iyon] ay mapayapang sama-samang pagkilos sa panahon ng aming breaktime. Walang natigil na produksiyon at malayang nakapasok ang mga kustomer sa restawran,” ayon kay Edmund Navarosa, presidente ng Kowloon West chapter ng Glowhrain (Genuine Labor Organization of Workers in Hotel, Restaurant, and Allied Industries)-KMU (Kilusang Mayo Uno).

Sinampahan sila ng manedsment ng kasong illegal strike sa NLRC (National Labor Relations Commission).

Napilitang makipag-usap ang manedsment sa mga manggagawa. Pinangakuan sila ng P50, mula sa P82 na itinakda ng Wage Order 13 at 14. Noong Agosto, sumahod sila ng dagdag na P25. Maliit man kaysa sa napagkasunduan, tinanggap na rin ng mga manggagawa. “Tiwalang-tiwala kami na ayos na,” ani Navarosa.

Pero hindi pa rin napalagay ang maraming manggagawa. Nagbanta pa kasi umano ang manedsment na mayroong “kapalit” ang ibinigay sa kanila.

Tanggalan pala ang tinutukoy ng mga Ng. Tila inasahan na nila ang desisyon ng NLRC noong Set. 12 kung saan idineklara ni Labor Arbiter Aliman Mangandog na illegal strike ang kilos-protesta ng unyon noong Hunyo.

Noong Set. 14, hindi na pinapasok ng mga guwardiya ang 73 manggagawang nasa listahan ng termination order ng kumpanya.

Agad-agad na nagpulong ang unyon at mayorya ang bumoto pabor sa welga. Unfair labor practice at union-busting ang binigay nilang dahilan sa inihaing Notice of Strike noong Set. 15.

Nalulugi raw?

Gaya ng iba pa, idinahilan ng manedsment ng Kowloon House na nalulugi ang kompanyang Katipunan Food Services Inc. kaya hindi madagdagan ang sahod ng mga manggagawa. Pero ayon sa mga welgista, katumbas lamang ng 11 araw na benta ng restawran ng siopao ang halaga ng kanilang backwages o sahod na hindi pa nila natatanggap.

Umaabot sa P3,498,600 ang kanilang backwages. Sa loob ng isang araw, nakakabenta ang restawran ng 7,000 siopao. Sa halagang P47 bawat isa, aabot ang 11 araw na benta ng siopao sa P3,619,000.

Sapat na ito para mabayaran ng Kowloon House ang utang sa 140 manggagawa.

“Matapos nilang pagkakitaan ng ilang taon ang aming oras at lakas, ayaw pa nilang ibigay ang kakarampot na wage adjustment. Lalong wala silang karapatang tanggalin kami sa trabaho nang ganun-ganun na lang,” ani Navarosa.

Hinala rin ng unyon, umiiwas ang kompanya sa benepisyong dapat matanggap ng mga manggagawang karamihan ay malapit nang magretiro.

“Iilang taon na lang, di pa kami pinagbigyan,” ayon sa 57-anyos na si Jessie, na may siyam pa apo pang sinusuportahan.

Itinigil na rin ng Kowloon House ang pagreregularisa sa mga manggagawa. Kontraktuwal pa rin kahit ang mga nagtatrabaho ng 10 taon sa Kowloon House. Umano’y P250 kada araw lamang ang kanilang sinasahod. Wala silang natatanggap na payslip at hindi itemized o nakalista ang salary deductions o mga binabawas sa sahod.

Ayon kay Roger Soluta, bise-presidente ng Glowhrain-KMU, “Ehemplo ang Kowloon House ng marami pang mga kaso ng di pagsunod sa bogus na wage hike ng RWTPB. Pinalalakas nito ang panawagan naming lusawin ang wage boards na instrumento para lokohin ang mga manggagawa at umiwas sa pagsasabatas ng P125 dagdag-na-sahod.”

Dahasin man o suyuin

Dama ng mga nakawelga ang pagiging “kontra-manggagawa” di lamang ng NLRC na nagdesisyon pabor sa kompanya, kundi maging ng pulisya at militar na mabilis na umayuda sa manedsment nang iputok nila ang welga.

Bandang 6:45 ng umaga noong Set. 19, hinarangan ng mga welgista ang tatlong lagusan ng restawran. Nasorpresa ang mga guwardiya na nakahiga pa o di kaya’y nag-aagahan pa lamang. Wala pang sampung minuto, dumating ang halos 30 pulis at 10 sundalong naka-fatigues. Armado ang mga ito ng armalayt at .45 na baril.

Kuwento ng mga manggagawa, kinausap ng hepe ng mga pulis ang kumander ng mga guwardiya. “Itaboy ninyo sila palabas, at kami na ang bahala,” umano’y sabi nito.

Pinalibutan ng mga guwardiya ng dilaw na lubid ang restawran. Gamit ang mga baston, sinimulan nilang itulak ang mga welgista.

Kapit-bisig sila. Biglang dumating ang midya. Nagtago, anila, ang mga pulis at sundalo, pumasok sa kalapit na mga establisimyento. “Akala mo giyera,” sabi ng isang welgista.

At tulad ng isang giyera, may taktikang marahas, may taktikang mapanuyo.

Umano’y pinupuntahan na ng manedsment sa bahay ang mga manggagawa at kinakausap ang mga pamilya nila para kumbinsihing huwag sumali o iabandona ang welga. Hindi ito umubra kay Prudencio, na nagsabing, “Magugutom naman ang mga kasamahan ko dito. Eh di ipaglaban na namin nang sama-sama.”

Nakasabit sa restawran ang malalaking karatulang “Business As Usual”. Pero alam ng chief cook at iba pang manggagawa ng Kowloon House, iba ang lasa ng mga putaheng inihahain sa mga kostumer. Hindi kasing-sarap. Tutal, anila, matagal nang nagpakasarap ang mga amo nila habang sila ay nagpakahirap. Ngayon, matitikman ang kanilang pagbabalikwas.

gloria pasista pahirap sa masa

November 4th, 2008 by dandy-punksk8ter24

Madilim ang bukas na naghihintay para sa mga kabataan sa ilalim ng pasistang pamumuno ni Gloria Macapagal-Arroyo. Mas nagiging kagyat ang pangangailangang mapatalsik sa puwesto ang papet, pasista, pahirap sa masa at pekeng pangulong si Gloria!

Sa loob ng limang taon nitong pag-upo sa Malacanang ay lumubha ang kalagayan ng mga Kabataang-Pilipino at ng buong sambayanan. Ang hindi maampat na pagtaas ng presyo ng gasolina, ang dagdag na pahirap na EVAT na dahilan ng paulit-ulit na pagtaas ng pasahe at ng mga presyo ng bilihin ay sunud-sunod na hambalos sa naghihikahos na mamamayang Pilipino. At ang tumitinding komersyalisasyon ng edukasyon ang naglalayo sa kabataan sa realisasyon ng kanyang mga pangarap. Nangangahulugan na mas marami pang mga kabataan ang napagkakaitan ng karapatan sa edukasyon, trabaho at magandang kinabukasan.

Malala pa dito, pilit tinatabunan ng kung anu-anong isyu ang malaking usapin ng pandaraya ni Gloria noong nakaraang eleksyon. Kung inaakala ng kampo ni Gloria na nakalimot na ang masang Pilipino, sila ay nagkakamali. Hindi na mabubura sa kasaysayan ang pandarayang ginawa ng pekeng pangulo maupo lamang sa pwesto. Hindi na rin sapat ang paghingi ng “sorry” para mapagtakpan ang iba pang kasinungalingang pakana ng walang moralidad na si Gloria!

Ang mga pasistang mga polisiya tulad ng eo 464, Calibrated Preemptive Response (CPR) at PP1017 ay patunay lamang kung gaano na kadesperado si Gloria na supilin ang lumalakas na pagtutol ng mamamayan sa kanyang pamumuno. ang araw-araw na pagpaslang sa mga lider-masa, mamamahayag, nagsusulong ng mga karapatang pantao, maging ng mga lider-estudyante ang tugon ni Gloria sa bawat boses na naglalabas ng hinaing ng mamamayan.

At upang patuloy na linlangin ang mamamayan ay pursigidong isinusulong ang Charter-Change na nagpapatunay lamang kung gaano na kalasing at kagahaman sa kapangyarihan si Gloria. Ang kasalukuyang Cha-cha ay isa lamang maniobra upang makapagpalawig sa poder ng kapangyarihan si Gloria at upang tuluyan nang makatakas sa mga kasalanan nito sa mamamayan.

Ang ganitong mga konkretong kalagayan ang humihingi sa lahat ng mga kabataang nagmamahal sa kalayaan at demokrasya na magpaigting ng pagkilos upang putdin ang pasistang paghahari ni Gloria. Hindi na sapat ang manahimik lamang sa lahat ng panlilinlang na ginagawa ng kasalukuyang administrasyon. At dahil sa ganitong pangangailangan ay nailuwal ang [link]. Na naglalaman ng totoong mukha ni Gloria…
Papet… dahil sa walang kagatul-gatol na pagsunod at lantarang paninipsip sa Impeng US!
Pasista…Dahil sa mga anti-mamamayang polisiya na pilit isinusulong at ipinapasa!
Pahirap sa Masa… dahil sa lalong pagsadlak ng mga Pilpino sa kahirapan
Berdugo…Dahil sa patuloy na pagdanak ng dugo ng mga makamasa at makabayang lider kapalit ng pagtatanggol sa karapatan ng mamamayan!
Peke…Dahil sa ginawang kasinungalingan at tahasang pandaraya mapanatili lamang sa poder na kapangyarihan!
Ang sigaw ng kabataan…
Gloria…tuta! Gloria…tuta! Gloria…tuta!
Papet, pasista, pahirap sa masa! Patalsikin si Gloria!

Ang site na ito ay naglalayong dalhin ang kampanya ng pagpapatalsik kay Gloria sa makabagong larangan o pamamaraan. Nagnanais itong makaabot sa mas marami pang mga indibidwal na may kaparehong sentimiyento at sa isang paraan ay magsilbing instrumento upang pagkaisahin ang ating layunin. Nais din nitong mahikayat ang marami pang kabataan na makibahagi sa makabuluhan at makasaysayang pakikibaka para sa tunay na pagbabago.

remittance economy

November 4th, 2008 by dandy-punksk8ter24
Tagumpay raw ang katatapos na ang at na araw na 2nd Global Forum on Migration and Development. Kung ano man ang rekomendasyong lumabas, “nakasalalay pa rin ito sa isang matatag, may gulugod at isang gubyernong may political will; ang pagkakaroon ng isang effective at klarong patakaran, ang pagreregularisa ng mga international convention at paggawa ng mga batas patungkol sa proteksyon at karapatan ng mga migrant workers, pagkakaroon ng binding at bitaleral agreement sa bawat bansang tumatanggap ng OFW at upang lubusang maunawaan ang kalagayan, ang pagkakaroon ng isang maayos at accurate na pananaliksik sa kalagayan at sitwasyon ng migrant worker.”
Nangibabaw ang interest ng private enterprises (private sector, banks, corporations, recruitment agencies at money transfer companies) kung ikukumpara sa matagal ng advocacy ng migranteng manggagawa at civil societies. Sa temang “pagpapalakas at pagsasakapangyarihan,” mas nanaig ang paninging isang “kalakal, commodity ang migrant worker.” Dahil dito, inaasahang “magpapatuloy ang pagsasamantala, pang-aapi at titindi ang kawalang katarungan at paglabag sa karapatang pantao ng migranteng Pinoy. Dagdag pa, “mas magiging masalimuot, hihigpit (restricted) at magiging competitive ang migrant worker ng mundo.”
Bawat isa sa atin ay may kamag-anak na OFW at migrante sa US, Europe, Australia/New Zealand, Middle East, Africa o Asia. Isang halimbawa ay ang bunso kong kapatid. Nung magpasya siyang mag OFW, parang walang may K o mangahas na pigilan siya o awatin. Ilan taon din siyang hirap sa buhay, nakikitira sa aming magulang. Kahit isang propesyunal, hirap makahanap ng trabaho at ang tanging pansalba ay ang kakaramput na kita ng kanyang asawang Engineer. Lumalaki ang kanyang tatlong anak at kailangang matugunan ang sustento’t pangangailangan.
Sa mahigit sampung taon sa Saudi, nagsarili’t bumukud siya sa aming magulang at nagkaroon ng sariling bahay, sasakyan, kumpletong gamit at simpleng pamumuhay. Ang kanyang tatlong matatalinong anak ay nasa mga kilalang private school sa Quezon City. Sa tuwing anim na buwan, siya’y umuwi’t dinadalaw ang kanyang mga anak. Ang kanyang engineer na asawa na matagal ng namamasukan sa isang Engineering Firm sa Ortigas ay nakasungkit ng kontrata sa New Delhi, India at ngayon’y nakikipagsapalaran alang-alang sa pamilya.
As of December 2007, may sampung (10.0) milyong Filipinos na ang nag-alsabalutan at ngayo’y nanirahan sa mahigit 190 bansa sa mundo. Ayon sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA), may isang milyong Filipinos (1.07 milyon) ang nagma-migrate taun-taon. Anuman ang kahinatnan sa OFWi, mag-iintensify ang human instict for survival papalabas ng pamilyang Pilipinong nagnanais mabuhay bilang tao.
Ang Pilipinas na ang isa may pinakamlaking bilang na exporters ng manggagawa at mukhang tinapatan na nito ang India, China at Mexico. May mahigit isang milyon ang mga undocumented (excluding Sabah, Malaysia), halos limang libo ang inaalipusta, hinuhuli at sapilitang isinisiksik na parang sardinas, tratong hayop at ginagahasa ang mga kababaihan. Ang malupit, may 30 ang nakahanay sa death row na nag-aantay ng tulong mula sa gobyernong Arroyo.”
Ang MIGRATION ay produkto ng mahabang kasaysayan ng karalitaan, underdevelopment, kawalang pag-asa’t oportunidad at maayos na distribusyon ng yaman ng bansa. Ayon sa mga historiador, bago pa dumating ang mga Kolonyalistang Kastila’t Amerikno, kalat na ang mga ninuno natin sa Asia-Pasipiko. Noong 1960s-mid70s kung saan itinuturing isa sa pinakamaunlad na bansa sa Asia ang Pilipinas, ” diniklarang pansamantalang (temporary) STOP GAP economic at employment measure ng gubyernong Pilipinas ang MIGRATION.” Ipingako ng mga sumunod na presidente (Cory, FVR, ERAP) na kung sakaling marating ang status na “Newly Industrialized Country (NIC)” ititigil ang MIGRATION. After 30 years, nagtuloy-tuloy at nag-intensify ang labor export ng Pilipinas. Ang inaa-asam-asam na NIC , naging bangungot.
Ayon sa World Bank, umabot na sa $251.0 bilyon ang remittances ng OFW at nilagpasan nanito ang Official Development Assistance na nagkahalaga lamang ng $104.0 bilyon. Parang siya na ang bumubuhay sa bangkang papel na ekonomiya ng bansa. Tinitingalang bagong modelo ng kaunlarang umaasa sa remittances at consumption based, imbis na linangin ang mga highly skilled at professional para sa sariling pakinabang (industrialisasyon), brain drain o parang silver platter na ibinibigay sa mauunlad at umuunlad na bansa ang mga ipinundar, pinagbuwisan, (doctor, nurses, teachers, architects, artist, engineer, scientist at Information technologist) at nilikhang katalinuhan, karunungan, kasanayang siensya’t teknolohiya at resources ng Pilipinas. Sa bandang huli, tayo rin ang magiging kawawa. Walang dudang mas malaki ang trahedyang kabayarang papasanin ng lipunang Pilipino kaysa sa ganansyang dollar remittances.
Walang klarong study at malalimang pananaliksik sa kung nakakatulong ba sa pag-unlad ang dollar remittances sa bansa o sa mga kumunidad? Ano mang larawang ipinapakita, ito ma’y macro-micro analysis ng magkabilang panig, trahedya’t hulog ng langit, para sa isang MIGRANT WORKER, “mai-ahon sa karukhaan ang sariling pamilya’t kamag-ankan, makatulung sa isang kababayang nakikipagsapalaran sa ibayong dagat at makapag-ambag kahit paano sa kaunlaran at pagbabago.” Trahedya man at “modern day slavery ang OFW penomenom,” magpapatuloy ang pag-aalsa balutan at pangingibang bansa ng ating mga kababayan.
Ginagamit ng Malakanyang bilang SALBABIDA ang tinatawag na mga bagong bayani at dahil daw sa remittances, “gumaganda’t lumakas raw ang piso. Umunlad daw ng mahigit 6.9% ang ating Gross Domestic Product (GDP), tumaas ang per capita income, mula $1,000.0 nung 1990, umabot raw ito sa $1,400.0. “Nakahanay na raw ang Pilipinas sa Ikalawang Daigdig (2nd world) at wala na raw tayo sa kategorya ng Ikatlong Daigdig.”
Kaya lang, kahit anong klaseng panduduktor at pagmamanipula ng datos, taun-taon lumalaki ang insidente ng karalitaan. Dumausdus ang average family income at lumaki (10%) ang tunay na unemployment rate. Mahigit P400.0 bilyon taung-taon ang ipinangbabayad sa utang panlabas na dapat sana’y mapunta sa livelihood program, basic services at pagsasa-ayos ng mga lugar na prone sa kalamidad (dange zone: baha, bagyo, lindol, mga squatter sa tabi ng estero, tabing bulkan, bundok, epidemyang sakit).
Mayroon ngang dollar remittances, hawak naman ng Pilipinas ang trono bilang pinakamakapangyarihang bansang may industria ng KATULONG o SUPERMAID sa mundo. Bumabaha nga tayo ng dolyar kung ang nakikinabang naman ay mga bangko, recruitment agency, money transfer, real estate companies, consumerism- cell phone, IT products, mga Mall at wala tayong matatag na manufacturing industry, wala rin. May dolyar nga kung warat ang moral values, watak-watak, broken family, addict at iskul bukol ang mga anak, wala rin.
Tayo na ang may pinakamalaking squater’s colony sa buong Asia, may pinakamalaking bilang ng child labor sa buong mundo at may pinakamatagal na insureksyon at rebelyon sa mundo. Tayo na ang sumasapo ng basura (scrap at ukay-ukay) ng Japan, US, Australia, China, India at Malaysia. Wala tayong maipagmamalaking STEEL INDUSTRY na sana’y magbibigay daan upang makagawa ng makina na magpro-produce ng panibago pang makina, tools / kagamitan, barko’t katawan man lang ng eroplano o train na ine-export imbis na migrant workers. Puro abuloy ang barko de gera ng Phi. Navy at eroplanong pandigma’t helicopter ng Phil. Air Force.
Mahalagang pag-isipan ng gubyernong papalit (2010, kung sino man ‘yon) ang “alternative development strategy” na matagal ng adbokasiya ng maraming organisasyon kaysa sa labor export policy na itinakwil na ng mauunlad at mga kalapit-bansa.

Pasismo sa pamantasan at kataksilan ng Akbayan

November 2nd, 2008 by dandy-punksk8ter24

SA NAKARAANG buwan, paparami at papatindi ang mga kaso ng panghaharas at paglabag sa mga karapatan ng mga mag-aaral sa kampus: mula sa mga di-makatarungang mga parusa na ipinapataw ng kanya-kanyang mga administrasyon, hanggang panghihimasok ng mga militar at direktang panghaharas sa mga aktibista sa loob ng kampus.

Kamakailan lang, lumabas sa balita ang pagdakip ng mga mag-aaral sa ilang ahente ng militar na kumukuha ng mga litrato at naniniktik sa mga mag-aaral sa PUP (Polytechnic University of the Philippines). Matapos ang insidente, tuluy-tuloy na lantarang nagsagawa ng mapanirang mga propaganda at harassment ang mga sundalo laban sa mga organisasyon ng mga mag-aaral, kabilang ang konseho ng mag-aaral at publikasyon.

Higit pang matindi ang kampanyang ala-batas militar sa mga kampus sa mga rehiyon. Sa PUP-Lopez, Quezon, sinampahan ng gawa-gawang kasong rebelyon ang tatlong kasapi ng konseho ng mag-aaral, kasabay ng paninira at pananakot sa kanila at kanilang mga pamilya.

May iba’t ibang antas ng paniniktik at panghaharas din na naiulat sa mga yunit ng Unibersidad ng Pilipinas at iba pang paaralan. Gayundin, ipinagmamalaki ng mga sundalo ang paglulunsad ng mga porum sa pampublikong mga hayskul na naninira sa progresibong mga organisasyon ng kabataan at nananakot sa mga mag-aaral.

Noong isang buwan, sa JRU (Jose Rizal University) naman, 19 na mag-aaral ang di-makatarungang sinuspinde, apat dito ang pinatalsik ng administrasyon dahil sa paninindigan nila sa mga katagang “pag-asa ng bayan” at paglulunsad ng kampanyang room-to-room laban sa Value-Added Tax.

Target ng panunupil ang kilusang masang nanguna sa mga walkout at iba pang protesta ng kabataan at mamamayan laban sa korap at pahirap na rehimeng Arroyo. Takot ang rehimen sa higit pang paglawak at paglakas ng mga organisasyong nagtatanggol sa mga karapatan sa loob at labas ng kampus, lalo’t inilalatag nito ang mga hakbang para makapanatili sa puwesto hanggang 2010 at lagpas pa.

Kasabay ng pagtindi ng pasistang mga kampanya sa paaralan, isang batas para sa “karapatan at kagalingan ng mga mag-aaral” ang isinusulong sa Kongreso. Sa una’y aakalaing progresibo pagkat ilalatag ang mga karapatan ng mga mag-aaral. Ngunit sa pagsusuri ng nilalaman, tatambad ang kataksilan ng panukala.

Inilalako ngayon ng Akbayan! Party-list — isang partidong sa isang kampanya sa halalan ay idineklara ang sarili na “partido ng kabataan” — ang Straw (Students Rights and Welfare) Bill of 2007 o HB 2584 ni Rep. Risa Hontiveros-Baraquel. Bersiyon nila ito ng nakaraang mga tangka na isabatas ang isang Magna Carta para sa mga mag-aaral. Sa lahat ng bersiyon, ito ang pinakamahaba at pinakadetalyado. Ito rin ang pinakamapinsala.

Inilantad ng iba’t ibang organisasyon, sa pangunguna ng NUSP (National Union of Students of the Philippines), sa mga pulong sa loob ng Kongreso na ang mga panukala sa Straw Bill ay higit pang magpapamukhang lehitimo at magpapatigas ng panunupil sa mga pamantasan. Sa mga probisyon nito hinggil sa karapatan sa pag-oorganisa, kalayaan sa pagpapahayag, pagtatayo ng konseho at publikasyon, binibigyan pa nito ng puwang at lisensiya ang administrasyon ng mga paaralan para limitahan at kontrolin ang mga organisasyon, mga aktibidad at mga kalayaan ng mga mag-aaral.

Sa kongkreto, halimbawa, sa pag-apruba sa mga organisasyon sa loob ng paaralan at paglulunsad ng mga aktibidad, binibigyan nito ng masaklaw na kapangyarihan ang OSA (Office of the Student Affairs). Hinggil kalayaan sa pagpapahayag, nais ng probisyon na magkaroon ng isang lugar kung saan doon lang puwedeng magprotesta. Hinggil sa diyaryong pangkampus, pinaboran lang nito ang Campus Journalism Act o CJA, na ginagamit ngayon para ipitin ang pondo at paghigpitan ang mga publikasyong pangkampus.

Nakakasuklam ang bahagi ng panukala hinggil sa pagtaas ng matrikula kung saan itinatakda na magkaroon ng “minimum na mga pamantayan” ng konsultasyon sa bawat pagtataas. Sa aktuwal, bogus na konsultasyon gaya ng mga nagaganap sa kasalukuyan ang itinataguyod nito. Kung tutuusin, batay sa karanasan, dapat konsultasyon at pagsang-ayon ang isulong na patakaran.

Kataka-taka ring wala sa bersiyon ng Akbayan ang isang probisyong mayroon sa mga nauna, na tutol sa pagpasok ng militar sa mga pamantasan.

Siguro’y hindi nauunawaan ng mga sumulat ng panukala na bawat butas sa kanilang batas na puwedeng gamitin sa paniniil ay sasamantalahin ng administrasyon para kitlin ang karapatan ng mga mag-aaral – tulad ng ginawa sa CJA. Maaari ring wala talaga silang aktuwal na karanasan sa mga pakikibaka laban sa paniniil sa loob ng mga kampus at hindi naiintindihan ang mga implikasyon ng kanilang mga panukala. O, marahil, ito talaga ang kanilang pinipiling posisyon: ang pagbukambibig ng mga karapatan habang sa aktuwal ay pinapanigan ang mga puwersang sumisikil dito.

Para maakit noon ang mga kabataan na bumoto pabor sa kanila, ginamit ng Akbayan sa isa nilang poster ang mukha ni Che Guevara, isang tanyag na lider-rebolusyonaryo at icon ng mga progresibo. Pero ipinapakita ngayon ng kanilang praktika ang tunay na mukha ng kanilang pulitika: panig sa mga kleriko-pasista at taguyod ng tiraniya ni Gloria.

BAYAN condemns arrest of people’s lawyer Atty. Remigio Saladero, continuing attacks on activists

October 24th, 2008 by dandy-punksk8ter24

October 24, 2008

Reference: Dr. Carol Pagaduan-Araullo, Chairperson

The Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) condemns in strongest terms the arrest of Atty. Remigio Saladero on trumped-up charges of multiple murder in Mindoro. As of this morning, he is being held by police and military forces in a red Toyota vehicle supposedly bound to Mindoro.

The arrest of Atty. Saladero is clearly a case of political persecution. A few weeks before his arrest, Atty. Saladero together with twenty-six leaders and members of people’s organizations in Southern Tagalog, was charged with arson, destruction of property and conspiracy to commit rebellion. They were accused of being members of the New People’s Army (NPA) who allegedly blew up a Globe cell site in Batangas. The enforced disappearance of James Balao in Cordillera, the abduction and torture of 9 peasants in Cavite and this latest arrest of Atty. Saladero prove that political repression in the country remains even as the cases of extrajudicial killings declined after drawing outrage both in the Philippines and the international community.

Atty. Saladero’s clients are workers victimized by low wages and unjust working conditions. His detention will mean depriving the poor of a lawyer who humbly renders his free legal services at the risk of harassment and grave persecution.

Bayan joins the family of Atty. Saladero in demanding the PNP to drop the false charges against Atty. Saladero, to release him immediately and to abort any plan of unlawfully arresting other activists. Bayan also calls on international lawyers groups and human rights defenders to join the Filipino people in demanding the Arroyo regime to release Atty. Saladero. He is neither a murderer nor an arsonist. It is the Arroyos, police and military forces involved in large-scale corruption and human rights violations who deserve to be arrested and jailed for their multiple crimes against the Filipino people.

The Arroyo regime appears to be poised for more attacks on activists as it faces continuing protests for worsening economic crisis, unresolved cases of corruption and human rights violations. Bayan calls on its allied organizations to step up their campaign against the fascist attacks of this regime which aims to cripple the mass organizations that are at the forefront of people’s struggle for land, jobs, dignity, freedom, sovereignty, democracy and social justice. #

Cited as one of notable San Beda College alumni, Atty. Saladero is the Chief Legal Counsel of Kilusang Mayo Uno (KMU) who defended the late Anakpawis Representative Crispin Beltran against fabricated charges by the Arroyo regime. Aside from handling numerous labor cases, Atty. Saladero represented KMU in challenging the constitutionality of President Gloria Macapagal-Arroyo’s Proclamation 1017 that placed the country under a state of national emergency and gave powers to Arroyo similar to what the late president Ferdinand Marcos had when he declared martial law.

KMU lawyer arrested on “trumped-up” criminal charges

October 24th, 2008 by dandy-punksk8ter24

Cops nab KMU lawyer on murder charges

Arrest ‘cover up’ of Moscow fund mess

MANILA, Philippines — Police arrested a lawyer of the leftist labor group Kilusang Mayo Uno (May First Movement) in his Antipolo City office Thursday night on non-bailable multiple murder and frustrated murder charges filed against him before an Occidental Mindoro trial court.

Chief Superintendent Ricardo Padilla, Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, and Quezon) regional police chief, confirmed that lawyer Remigio Saladero Jr. was arrested Thursday night by joint operatives of the Calabarzon and Rizal provincial police.

He also confirmed that Padilla has been brought to Occidental Mindoro for turn over to the court.

KMU members and other activists had trooped to Cam Vicente Lim in Laguna Thursday night to protest the arrest.

The KMU slammed the arrest of the lawyer and claimed the police had arrested the wrong person.

It also claimed the arrest was part of efforts to “cover up” the scandal surrounding the apprehension of a retired police general found carrying millions of pesos worth of undeclared currency by Russian customs officials in Moscow earlier this month.

Padilla said the arrest of Saladero was based on a valid warrant of arrest. “We don’t want to violate any human rights,” he said.

But KMU chairman Elmer Labog said the police had arrested the wrong person, pointing out that the warrant of arrest was against someone named Reme Gio Saladero. “The spelling of the name was different. His [Saladero’s] name was misspelled. At isa pa, hindi naman nagpupunta ng Mindoro yan [Besides, he never goes to Mindoro in the first place],” he said.

Labog also said the arresting officers seized Saladero’s laptop and personal computers.

He said the lawyer, who is in his 50s, is “sickly” and suffers from hypertension and diabetes.

Padilla said the KMU should address its complaints to the Mindoro trial court.

“Kami naman, hindi naman namin sinasabi na masamang tao siya, inutusan lang kami eh [to arrest Saladero]. Kung may reklamo sila [KMU], i-explain nila sa court, huwag sa amin [On our part, we are not saying he is a bad person, we were just ordered. If they have any complaints, they should explain that to the court, not to us],” he said.

bumabangon sa hukay ang batas militar

October 23rd, 2008 by dandy-punksk8ter24

Reader II.

Sumusungaw mula sa musoleo

ang ayaw pang maagnas

na kinatawan ng pananakot

at kamatayan.

II.

Gumagapang mula sa salaming hukay

ang mga huwad na medalya

ng dating diktador.

III.

Naghahanap ng bagong tagapagmana

ang mga bertud

na inalayan ng orasyon ni Tyo Samuel;

habang nag-uunahan naman

at nagkukumahog

ang mga nagnanais umangkin

ng maitim na biyaya.

Reader IIIV.

At makalipas ang ilang taon at panahon

isa ang nangahas ipagpatuloy

ang mga layuning

humahalakhak sa gitna ng

pagsikil at pagkitil sa nakararami.

V.

Nauna na niyang pahintulutang muli

ang mga buwitreng anghel

ni Tyo Samuel

na bagtasin ang himpapawid,

lumapag, dumaong at mamugad

sa gitna ng naghihikahos na mamamayan.

VI.

Sa imahe at pamana ng dating diktador

sinikap rin niyang palitan ang letra,

ang mga salita sa balita,

at sa higit pang bisa ng kanyang bertud,

nilamukos, pinunit at sinunog

ang bawat pahinang

itinaguyod ng malayang pamamahayag.

Reader IVII.

Bumubulwak sa kanyang nakausling nguso

ang mga dayuhang dasal

ng pagdederegula, pagliliberalisa

at pagsasapribado ng kabuhayan

isinalaksak niya sa katinuan

ng sambayanan

ang lason ng globalisasyon,

pilit at ipinagpilitan niyang

palitan ang libreto ng batas

upang tipunin ang kapangyarihan

ng sarili at kanyang mga alagad

at upang higit pang

matuwa ang among tuwang-tuwa.

Reader IIVIII.

Tuwang-tuwa siyang punlaan

ng punglo ang mga bungo

ng walang kalaban-labang uri;

tuwang-tuwa siyang ibaon ng buhay

sa lupa ang mga taga-bungkal nito;

tuwang-tuwa siyang pisain silang

nagpapawis sa gitna ng umuugong na makina

at lalong humahagalpak siyang

maging karagatan ng dugo

at isla ng mga kalansay

ang kanyang paningin.

IX.

Sabay:Sa pagkawala at muling panunumbalik ng lagim

Reader IIhindi naglaho ang kaluluwa

ng mga iniluwal at nawala,

Reader Ipatuloy itong tinipon

upang magsilbing pulbura

Sabay:sa nagpupuyos na galit ng sambayanan;

ang dahas ng naghahari ay

susuklian at dudurugin ng kaisipan at sandata

ng sumusulong na digmaan!

The AFP and How It Hurts/Kills the Youth

October 23rd, 2008 by dandy-punksk8ter24

Those who can no longer rule by deception, rule by force.

Last July saw the revival of the youth and student activist movement in our country. The youths, which have long been branded as self-centered and apathetic, went out to the streets in droves to protest the worsening economic crisis of our country. And when Gloria Arroyo’s asskissers in the media, faculties, student councils, and the Office of the Press Secretary couldn’t keep us back any more, in comes the Armed Forces of the Philippines.

Right after the July 10 rally, Arroyo announced the formation of a task force whose supposed task is to monitor hunger in our country. Yet, who were the members of this task force? There is the Dept. of Education, which immediately announced a strict ban on high school students and teachers in joining rallies. There is the Commission on Higher Education, which supported tuition fee increases this year (and since time immemorial), and approved the expulsion of students in Jose Rizal University who protested against the dubious fees collected from them. There is also the Philippine National Police (ugh, need I say more?), and the Armed Forces of the Philippines.

Here is a list of the human rights violations perpetuated by the AFP against the Filipino youth since July:



- The summary killing of Rachelle Mae Palang, a registered nurse and the editor-in-chief of Vital Signs, the official student publication of the Velez College in Cebu City
- The filing of rebellion charges against the student publication editor-in-chief and student council chairperson of the PUP campus in Lopez, Quezon
- The filing of malicious mischief and direct assault charges against the chairpersons of the PUP Chapters of the League of Filipino Students and ANAKBAYAN, with the connivance of the PUP ROTC Unit and PUP’s Chief of Security
- The AFP request for the expulsion and arrest of all the students who were involved in the “capture” of their 4 intelligence agents, along with attempted filing of charges of frustrated murder, including former PUP Student Regent Henrie Enaje
- The permanent dismissal of 4 leaders of the Jose Rizal University chapters of LFS, ANAKBAYAN, and the Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan
- The stationing of elements of the AFP’s CMO Battalion in the Sta. Mesa area surrounding the PUP campuses
- The circulation of posters and comics claiming that the chairperson of ANAKBAYAN-PUP and their former Student Regent are “NPA”
- An incident in which members of the said battalion drew their weapons against PUP activists
- The continued presence of a Tammaraw FX with plate number UDU 234, which was exposed last 2006 as a vehicle containing agents of the Intel. Service of the AFP
- An incident in which a self-admitted agent of the ISAFP, posing as a student at the College of Mass Communications in UP Diliman, threatened a Film major who is a member of the LFS
- The holding of forums branding the LFS as a terrorist group in UP Diliman, PUP, PLM and CEU
- An incident in which a self-admitted agent of the ISAFP poked a knife at a member of ANAKBAYAN-JRU and told her to stop her activist activities

hustisya sa pilipinas

October 23rd, 2008 by dandy-punksk8ter24

presidential pardon sa mga guilty na nagsisisi, kalayaan  para sa mga guilty na walang pagsisisi
at kulong parin para sa mga maraming mga inosente.ganito ang uri ng katarungan sa pilipinas.
ilan nang mamamayan at makapangyarihan ang nakalaya sa kabila ng kanilang mabibigat na pag-kakasala.
at mas marami pang mga mayayaman at makapangyarihan na mabigat na mabigat ang pagkakasala
sa taumbayanna nananatiling gumagala ng walang takot o pangamba na baka silay makulong.
hindi hustisya kundi pulitika ang kadalasang umiiral sa pamamalakad ng katarungan sa ating bansa.

para kanino lang ba ang hustisya? sa mayayaman makapangyarihan at may koneksyon sa
Malakanyang.anak ng dating chief justice si CLAODIO TEEHANKEE.JR napanood ku sa t.v
ang magarang nyang kwartong tirahan.parang kwarto sa hotel may 42-inch na plasma TV split type
aircondition unit,queen size bed at refrigerator.kung ganun ang hitsura ng nga kulungan
ngayon sa bilibid prison.mas maraming mayayamang kriminal ang mag gugustuhin nalang na makulong
dapat pantay pantay ang pagtrato sa lahat ng preso at hindi gawin batayan ang pagiging mayaman o pagiging
popular ng isang nakabilanggo sa pambansang piitan

maraming mahihirap ang hindi nabibigyan ng hustisya dahil sa bulok na pamamalakad ng
batas.merong iba na pinagdudusahan ang isang kaso!! na hindi naman nila ginawa
hindi nila kayang dumipensa sa bintang dahil hindi sila makakuha ng matino at magaling
na abogado.meron din ibang mga abogado ang naglalaglag ng kliyente dahil sa mas malaking  offer o ibabayad sa kanila ng kalaban.Iba talaga ang hustisya kay Madam Senyora punyeta Donya Gloria. Ang mahirap mabulok,
ang mayaman at makapangyarihan at kakampi patawarin.

may tinig ang kung sinu-sino at anu ano maliban lang sa katotohanan at katarungan
kelan kaya magbabago ang sistemang iba ang tinitignan sa tinitignan at iba ang naririnig sa
pinakikinggan

kung walang aktibista

October 23rd, 2008 by dandy-punksk8ter24

Ginawan ko ng tula ang isang napakamakabuluhang quotation ng isang manunulat:

.

Activism, I think is the cornerstone of democracy, without activism, there would be repression, oppression, and injustice. Without activism, we would not have gotten rid of a dictator and jueteng-linked actor. Without activism, we would not be enjoying some small freedoms in our jobs, our schools, our communities, and our countries to which activists have spent countless hours, days, and even years. Freedoms for which these activists have laid down their lives and the lives of those they love, so that the country would be better. Freedoms which some people in government and the Armed Forces also enjoy and use to oppress others.

It is to activists of yesterday, that the youth of today, including those in the Armed Forces, owe their cherished liberties.

KUNG WALANG AKTIBISTA
katha ni Gregorio V. Bituin Jr.

Kung walang aktibista
maraming mang-aapi
at magsasasamantala

Kung walang aktibista
patuloy ang kawalang katarungan
sa marami nating kababayan

Kung walang aktibista
patuloy pa rin ang diktadurya
at pamumuno sa bayang
itinuring na pelikula

Kung walang aktibista
wala tayong munting kalayaan
sa ating paaralan
sa pamayanan at sa ating bayan

Maraming aktibista
ang nagsakripisyo ng buhay
dugo’t pawis sa bayan ay alay
ngunit marami sa kanila’y pinapatay

Maraming aktibista
ang dinukot at pinaslang
ng mga taong kaluluwa’y halang
naging desaparecido sa mga magulang

Tama lamang na may aktibista
upang mawala ang mapagsamantala
sila ang nagbibigay ng pag-asa
sa taumbayang patuloy sa dusa

Mapanganib manahan sa mundong ito
hindi dahil masasama ang mga tao
kundi dahil nagsasawalang-kibo tayo
sa mga nakikitang mga kabulukan
sa mga naririnig na kurakutan
sa mga nararamdamang kaapihan

Masarap manahan sa mundong ito
dahil may aktibistang hangad ay pagbabago
nakaukit sa diwa’y pagpapakatao
pag-ibig, at pakikipagkapwa-tao
pagkat nais ay lipunang wasto
pagkat puso’y para sa kapakanan ng mundo

Ako’y mamamatay na isang aktibista
Pagkat ako’y nabubuhay na tulad nila
Nawa ang nalikha ko ngayong tula
Ay maitula ko sa bawat nilikha.